ミュージックビデオ
ミュージックビデオ
クレジット
PERFORMING ARTISTS
Noel Cabangon
Performer
Aikee
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Noel Cabangon
Songwriter
Marlon Barnuevo
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Noel Cabangon
Producer
歌詞
Ano itong aking kinasasadlakan
Pangyayaring 'di natin inaasahan
Buong mundo ay nagulat
At kailangang magkulong at mag-ingat
Kay rami nang namamatay ng walang kamalay-malay
'Di agad pinansin sumpang tumama sa'tin
Paano mapipigilan
Pangunawa'y higit na kailangan
Pagkabigo'y 'wag hayaang maghari
Pawiin ang takot, ingatan ang sarili
Magtiwala sa katotohanan
Pag-ibig sa kapwa'y palaganapin
Dakilain ang mga nagliligtas sa buhay natin
Ang kanilang kaligtasa'y ating ipanalangin
Sana ang lunas ay agad dumating
Nang mundo'y bumangon at panibagong bukas harapin
Buong giting at tapang 'wag kang mag-alinlangan
Papatak din ang ulan sa mundong maalinsangan
Batid kong hindi madali madalas kasing nagagapi, naapi
Subalit sa huli tayo'y magwawagi
Sabay-sabay na harapin, tanggapin, mahalin
Ang bawat isa ang galing tanggalin
Pawiin ang takot na nabalot ng salot
Sa'n man umabot tandaang pag-ibig lamang ang sagot
Sana'y pumukaw sa ating isipan
Ang dulot na liwanang ng kalangitan
Nawa'y gumising sa ating diwa't damdamin
Ang mundong hinabilin ay dapat ding kalingain
Pagkabigo'y 'wag hayaang maghari
Pawiin ang takot, ingatan ang sarili
Magtiwala sa katotohanan
Pag-ibig sa kapwa'y palaganapin
Pagkabigo'y 'wag hayaang maghari
Pawiin ang takot, pag-asa'y mamayani
Magtiwala sa katotohanan
Pag-ibig sa kapwa'y palaganapin
Magtiwala sa katotohanan
Pagkabigo'y 'wag hayaang maghari
Pawiin ang takot, ingatan ang sarili
Pawiin ang takot na nabalot ng salot
Magtiwala sa katotohanan
Pag-ibig sa kapwa'y palaganapin
Pag-ibig lamang ang sagot, pag-ibig lamang ang sagot
Pagkabigo'y 'wag hayaang maghari
Pawiin ang takot, ingatan ang sarili
Tandaang pag-ibig lamang ang sagot
Pag-ibig lamang ang sagot
Pawiin ang takot na nabalot ng salot
Saan man umabot tandaang pag-ibig lamang ang sagot
Pawiin ang takot
Pag-asa'y mamayani
Pawiin ang takot na nabalot ng salot
Saan man umabot tandaang
Ooh woah
Tandaang, tandaang, tandaang pag-ibig lamang ang sagot
Written by: Noel Cabangon