クレジット

COMPOSITION & LYRICS
Thomas Lynmuel Mayacyac
Thomas Lynmuel Mayacyac
Songwriter

歌詞

Iba pag kinutuban, 'lam mo na
Lihim, naaamoy yan, aha
Tingin ay natutunugan, ano daw?
Dinig kahit malayuan, sige tignan mo
Tira sa'king likuran, 'nakanamp
'Di na sinasalo yan, 'wag na
Bakit pa lilingunan
Kung sila lang din ang talunan, sige tignan mo
Nakatingin, nagtataka pasimple, 'di mabasa yung laman ng isip
Pero 'di na para balikan ng titig, aninag ko naman sila sa gilid
Dama mo agad kapag mainit, balewalain nang nakangisi
Pag 'di mabasag yung pananahimik, lalo silang manggagalaiti
Aba, aba teka lang, 'wag mong suspetsahan agad na masama ang asal ko
Sadyang 'di naglalaan 'to ng presensya pag hindi ko naman ikapapaldo
'Wag mo na gamitin ang pagangal mo kung nahihiwagaan ka lang sa anyo
Kaya para sakin dedma yan, pinagpipyestahan lang talaga kapag sinasanto
Kaso nga walang hiling na didinggin kung mapansin lang naman ang 'yong nanaisin
Maliwanag sa tuwid na paningin, kahit pilit na itago, pag mainit 'di mapigil
Yan ay kita sa matang naniningkit, nilalamon ka ng sarili mong gigil
Hirap nga lang lunukin nang palihim, ang bilib na 'di maamin nagiging inggit
Hindi maatim ang pait, hirap kasing manaig
Naiirita na makitang wagi ka hanggang sa nagiging galit
Hindi maatim ang pait, pag 'di ka pa rin madaig
Maghihinaing ang mahina hanggang magtanim na ng hinanakit
Iba pag kinutuban, 'lam mo na
Lihim, naaamoy yan, aha
Tingin ay natutunugan, ano daw?
Dinig kahit malayuan, sige tignan mo
Tira sa'king likuran, 'nakanamp
'Di na sinasalo yan, 'wag na
Bakit pa lilingunan
Kung sila lang din ang talunan, sige tignan mo
Iba pag kinutuban, 'lam mo na
Lihim, naaamoy yan, aha
Tingin ay natutunugan, ano daw?
Dinig kahit malayuan, sige tignan mo
Tira sa'king likuran, 'nakanamp
'Di na sinasalo yan, 'wag na
Bakit pa lilingunan
Kung sila lang din ang talunan, sige tignan mo
Silang mga panay putak at bulungan, tahimik lang na inungusan
Walang imik na ibinabalik sa kabila ng mga inuusal
Lahat ng inis ay mistulang mga gumaganap na tungtungan
Kung tumitingin ka ng pailalim, ako umaakyat sa bumbunan
Nakatatak pagmumukha ko sa utak mong puro na lang apila
Parang lahat memoryado mula sa galaw at pananalita
Halatadong nagkakalkula na ng plano kung pano makakaisa
Talagang nasa ulo mo na 'ko ang kaso lang mas kabisado kita
Alam mong malupet talaga kapag gusto nilang pataubin pababa
Mauwi sa wala o sa huli madapa
Kaso 'di rin tatalab kung madaling makapa
Pag inggit malala, yung hiling masama
Kaya anuman ang balak ikubli, halata yan na parang mga ebang may katapat na pera, dama ko agad ang maduduming pakana
Iba pag kinutuban, 'lam mo na
Lihim, naaamoy yan, aha
Tingin ay natutunugan, ano daw?
Dinig kahit malayuan, sige tignan mo
Tira sa'king likuran, 'nakanamp
'Di na sinasalo yan, 'wag na
Bakit pa lilingunan
Kung sila lang din ang talunan, sige tignan mo
Iba pag kinutuban, 'lam mo na
Lihim, naaamoy yan, aha
Tingin ay natutunugan, ano daw?
Dinig kahit malayuan, sige tignan mo
Tira sa'king likuran, 'nakanamp
'Di na sinasalo yan, 'wag na
Bakit pa lilingunan
Kung sila lang din ang talunan, sige tignan mo
Written by: Thomas Lynmuel Mayacyac
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...