クレジット

PERFORMING ARTISTS
Still One
Still One
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ace Escalante
Ace Escalante
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Ace Escalante
Ace Escalante
Producer

歌詞

[Verse 1]
Ilang taon na rin pala
Ilang taong wala ka na
Ang hirap lang na isipin
Na dati akin ka ngayon
Ay hawak ka na ng iba
[Verse 2]
Naaalala ka pa rin
Iwasan ko man tanawin
Ano bang dapat na gawin?
Hindi mabaling ang tingin
Damdamin ay ganun pa rin
[Verse 3]
Mga bitbit kong alaala
Ang dating tayo na wala na
Salamat dahil nakilala
Patago nalang
At palihim na yayakapin ka
[Verse 4]
At kung pagbibigyan lang sana
Makabalik sa dating tayong dalawa
Pupunan ang lahat ng mali
Ay itatama iingatan na kita
[Chorus]
Salamat sa lahat ng halik
Salamat sa mga larawan na may pananabik
Ating nakaraan na 'di ko na maibabalik
At alaala nating masakit
Kung sana nuon ko pa lamang nalaman
Na mag-isa nalang ako na maiiwanan
Ang malayo ka sa'kin 'di sana hinayaan
Salamat, patawad, paalam na
[Verse 5]
Salamat sa mga masasayang araw na
Nagkaroon ng ikaw at ako
Nagkaroon ng saya at totoo
Mga yakap na mahigpit
At mga halik na walang makakatumbas
Kung sana lang 'di kita hinayaang malayo
'Di sana meron pa ring salitang tayo
[Verse 6]
Patawad kung ako may naging pabaya
Sa'tin sa t'wing hanap mo aking lambing
Alam ko mang hindi ko na
Maaari pang mabalikan ang ating nakaraan
[Verse 7]
Paalam
Laging kang nasa puso't isipan
Siguro nga
'Di tayo ang nakalaan para sa isa't isa
[Chorus]
Salamat sa lahat ng halik
Salamat sa mga larawan na may pananabik
Ating nakaraan na 'di ko na maibabalik
At alaala nating masakit
Kung sana nuon ko pa lamang nalaman
Na mag-isa nalang ako na maiiwanan
Ang malayo ka sa'kin 'di sana hinayaan
Salamat, patawad, paalam na
[Verse 8]
Salamat sa mga minuto at oras na ako ay pinatino mo
Yung dating lalaki na gago naputol ang sungay sapagkat sa'yo ay natuto
Kung pa'no magpakumbaba, kung pa'no ang hindi ka ikumpara
Kung pa'no isipin ang bukas, kung pa'no gumalang at tanggalin ang masama
Salamat sa'yong pag-alala, salamat sa'yong pagpapahalaga
Yung tao na kahit na may topak, 'di maunawaan ay labis mo na tyinaga
Gusto ko pang bumawi pero huli na dahil ngayon ay hawak ka na ng iba
Mahirap man pero darating din ang araw na makakalimutan din kita
[Chorus]
Salamat sa lahat ng halik
Salamat sa mga larawan na may pananabik
Ating nakaraan na 'di ko na maibabalik
At alaala nating masakit
Kung sana nuon ko pa lamang nalaman na mag-isa na lang
Ako na maiiwanan ang malayo ka sa'kin 'di sana hinayaan
Salamat patawad, paalam na
[Chorus]
Salamat sa lahat ng halik
Salamat sa mga larawan na may pananabik
Ating nakaraan na 'di ko na maibabalik
At alaala nating masakit
Kung sana nuon ko pa lamang nalaman
Na mag-isa na lang ako na maiiwanan
Ang malayo ka sa'kin 'di sana hinayaan
Salamat, patawad, paalam na
Written by: Ace Escalante
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...