クレジット

PERFORMING ARTISTS
Dello
Dello
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Dello
Dello
Lyrics
Wendell Gatmaitan
Wendell Gatmaitan
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Delta Beats
Delta Beats
Producer

歌詞

Madaming akala at bulong-bulungan ang nagsulputan
Akala hindi ko na kaya na makabalik pa sa tungtungan
Ng entablado, 'kala siguro pudpod na ang bumbunan
'Yan lamang ang sabi-sabi sa tabi-tabi, sa mga kumpulan
Akala mo ba, basta gano'n na lamang susukuan
Ang kulturang natutunan, pawis, dugo na ang puhunan?
An'daming maling akala, at para wala nang pagtalunan
Dadaplisan ko lang ng isa sa tagiliran, at 'di na para puruhan
Dahil baka ikamatay mo pa, bagsakan at mga bira
Huwag ka masyadong maiirita, baka hindi ka na makahinga
At ngayong alam mo na ako'y 'di pa nawala, daliri'y nangangati pa
Para muli akong makatipa, mga tugma na kakaiba
At alam ko naman, marami pa rin naman sa kanta ko ang kumakabisa
At isa pa, huwag kang umasa na sa 'kin, ikaw ay makakaisa
Mula pa no'ng nag-umpisa, pangalan sumabog bigla, 'di na maikakaila
At sa narating dito sa scene, markado na rin, wala nang makakagiba
Noon, ako ay hinahamak at tampulan ng tukso
At gusto niyong madapa't matabunan
Pero ngayon ay nakatapak sa kanluran
At 'yong mga nanghamak, nakalagak sa kangkungan
Hindi mo na 'ko mapapaalis (paalis)
At lalong 'di mo 'ko mapapalitan (papalitan)
At ngayon sa aking pagbabalik (babalik)
Marami dito ang mapapaitan
Mga bitter diyan sa lipad kong mala-Peter Pan
Eksena bumabaho dahil sa bunganga mo, paki-zipper 'yan
At sa muli kong pagtapak, laging may dalang alak kahit liquor ban
Makikipagkamay lang ako kung ako si Edward Scissorhand
Pa'no ba 'yan? Pa'no mo pa ako sasabayan?
Kasi may bagong labas na naman, hanggang bash ka na lang do'n sa talakayan
Nakakapagtaka lang, ano'ng napapala mo sa pagmamatapang?
Bakit 'yong mga walang pakinabang, sila pa may gana na magmayabang?
Minamaliit kasi laking kanto, pero lahat tayo biglang naging bago
Nang ang kapalaran aking nilakaran, biglang luminaw at naging klaro
Mga nagmamataas noon, nakikiinom na rin sa 'king baso
Sige, balato, kasi nanalo no'ng tinaya ko ang lahat pati pato at pamanggulo
Sa'n man anggulo mo tingnan, malaki ang pagkakaiba
'Pag sa kalyeng parang gubat, kada buhat, at palagi na sinasabi
Na sa buhay, matira matibay, at mahusay ka kung isa ka doon sa mga natira
Pero minsan, sa mga daan na dinaanan, 'di ko maiwasang mapa-"'Tang ina!"
Sa dami ng pinagdaanang bubog at alambre
Na may tulis at talas, pero natutong umabante
Tuloy ang pangarap ko pagkatulog ko sa katre
Patunay na sa hirap nahuhubog ang diyamante
Yeah, pero 'di pa rin nakampante
Tuloy-tuloy sa pagbiyahe habang bitbit ko ang mga bagahe
Pupunuin ng plake ang estante, bawat espasyo at mga bakante
Batang kalye, ako si David sa harap ng kalabang higante
Pananatilihing balanse ang timbangan, 'yan ang importante
At wala 'kong paki sa komento ng mga punyetang ignorante
Sa pumatol sa mga kahol ng arogante, 'di na bale
Asong ulol na ang sinasabi, kasing-amoy ng tinatae
Ganiyan ba 'yon?
Ganito pala 'yon!
Ganito ba 'yon? Ang agwat tinalon papunta sa makabagong panahon
Kahit paganiyan o pagano'n, wala kang maririnig sa 'king mga barang patapon
Daming mga batang naghamon, tatlong daan ang inipon lahat sa balon
An'dami ko pang puwede mailabas galing sa aking kahon
Kaya sumusulat lang ng awit na patok, sulit ang tinta, panulat sa 'kin at tatak
Dadamihan ko pa ang sapok, suntok sa buwan, paaabutin ko aking mga sapak
Kahit naharangan na ang salot, nasibat, gagawin lahat hanggang ulap masalat
Dahil 'di na 'ko balot ng takot at kaba, pinakapal ng karanasan ang aking balat
Na para bang kalyo, kaya nagawa ko mga plano, utak lang aparato
Dumadayo sa malapit o malayo para boses ko ay madinig ng mga tao
At ginawa kong panggatong mga hamon, kaya nga malabong mawala 'tong ningas ko
Kahit 'di Pasko, asahan mo na palagi na may handa 'to
Sa kahit saan ay makakasabay, sa kahit ano ay makakasakay
Hindi pa tapos itong paglalakbay hangga't kayang sumulat ng mga kamay
At sa mga nakabantay na sumablay, katotohanang magpapa-"aray"
Sa legasiya kong tinataglay, sa 'kin wala nang makakapatay
You're seeing me sending a message
You're not gonna break me, I'm gonna break you
Written by: Wendell Gatmaitan
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...