クレジット
PERFORMING ARTISTS
Anthony Rosaldo
Vocals
Mariane Osabel
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Rina L. Mercado
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
GMA Post
Producer
歌詞
May liwanag na sumikat sa halaman na bumuhay sa nagdaraan
Ang karagatang sumingaw ng hangin na naging ulap
Bumagsak bilang ulan
Ang buhanging 'di mabilang kay payapa
Sa tuwing aking minamasdan (Minamasdan)
Gubat na napaligiran ng mga nilalang na matapang
Iyan ang kalikasan
Alaga sa isa'y alaga sa lahat
Isa'ng ating iniikutan
Sa lupa nagmula, sa lupa hihiga
Ugnayan ay walang katapusan
Hindi ka ba namamangha
Milyon-milyon ang koneksyon
May libo-libong dahilan kung bakit
Kay lawak man ng nilikha (Ng nilikha)
Iba-iba ang direksyon
Pero buhay ay iisa
Alaga sa isa'y alaga sa lahat
Isa'ng ating iniikutan
Sa lupa nagmula, sa lupa hihiga
Ugnayan ay walang katapusan
Alaga sa isa'y alaga sa lahat
Isa'ng ating iniikutan (Iniikutan)
Sa lupa nagmula, sa lupa hihiga
Ugnayan ay walang katapusan
Katapusan
Katapusan
Katapusan
Written by: Rina L. Mercado