뮤직 비디오
Alisson Shore의 상위 곡
크레딧
실연 아티스트
Alisson Shore
실연자
작곡 및 작사
Alisson Shore
작사
Emmanuel Sambayan
작곡가
Yukihiro Rubio
작곡가
Aison Palma
작곡가
가사
Parang panaginip, tayong dalawa
At ayoko nang magising, mahimbing na
Ang pagtulog, nahulog, nalunod nang nag-iisa
Sa pagpikit ng aking mga mata
Ayoko nang magising 'pagkat gusto pang madama
Mga kundiman na tungkol sa 'ting dalawa
Pero ako lang ang may alam
Ipaalam sa 'yo'y 'di na kailangan pa
Alaala na nasulyapan
Sa litrato ng aking mapaglarong kaisipan
Iniisip hanggang kailan sa tadhana'y makipagbiruan
Sa ideya na tayo at hindi sa panaginip lang
Kaya gan'to na lang
Nakakabighani kapag tinitingnan ka lang
Mabuti nang gan'to na lang, ando'n ka lang
Tinatanaw mga ngiting nakakasilaw
Nako po, kung alam mo lang
Kapag dumadaan, biglang ang bagal na ng lahat
Mga pasimpleng hawi ng buhok, nahulog agad
Sa 'king isip, ikaw ay kapiling at akin ka
Kung panaginip lang lahat, limang minuto pa
Tunay na masayang ngiti
Tumitig lang sa 'yo, nabighani, oh, oh, oh, oh
'Pag nakita ang iyong larawan
Lungkot ay humahawi, oh, oh, oh, oh, oh, oh
Parang panaginip, tayong dalawa
At ayoko nang magising, mahimbing na
Ang pagtulog, nahulog, nalunod ng nag-iisa
Salamat at ako'y nagising
Sa isang bangungot na akala ko'y tulog na mahimbing
Naalimpungatan sa mga demonyong akala ko'y
Akala ko'y kaya kong itumba ngunit pinilit nilang ako'y malasing
Ni ang kuwartong pinagsaluhan nating dalawa
Ay mismong siya na rin ang umiiling
Sa isang larawang nagsilbing ebidensya
Na akala ko'y mapapag-aralan mo rin akong mahalin
Magkasama tayo sa isang larawan
Nakangiti ka, habang ako'y nakatingin sa 'yong mga mata
Sumagi bigla ang aking mga isipan
Na ang lahat ng ito ay isang kalokohan lang
Bawat oras, iniisip kang makasama
At pero lahat ng ito ay aking mga mahika
Lahat ng alaala nating dalawa
Alaalang ako lang ang nakadarama
Writer(s): Lynn Hutton, Jeff Hyde, Neil Mason
Lyrics powered by www.musixmatch.com