크레딧
실연 아티스트
Alyssa Remulla
실연자
작곡 및 작사
Alyssa Remulla
송라이터
프로덕션 및 엔지니어링
Alyssa Remulla
프로듀서
가사
Uuwi sa tahanang
Wala namang laman
Nagbabaka-sakaling mayro'ng nag-aabang
Kahit wala naman
Bumibilis, lumalakas ang pagbugso
Sa salamin, bakit iba'ng itsura ko?
Nakikinig ka ba sa panalangin ko?
Isang kaibigan lang ang hinahanap ko
Oh, nandiyan ka ba, Luna?
Luna, Luna, Luna
Umiikot ba ang mundong dumidilim?
Kung nandito ka, liwanag, ako'y sagipin
Yakapin mo 'ko, Luna, yakapin mo 'ko, Luna
Hanggang magising
Ikaw lang ang nasisilayan sa buong kalawakan
Langit ang ating pagitan pero 'di ito hadlang, ooh
Liwanag mo'y sinusundan
Ngayong gabi
Numinipis, nagbabago ang hugis ko
Kanikanina lang, ako'y buong-buo
'Di ko mawari ang pagkakatulad mo
Sa isang mortal sa lupa tulad ko
Oh, nandiyan ka ba, Luna?
Luna, Luna, Luna
Umiikot ba ang mundong dumidilim?
Kung nandito ka, liwanag, ako'y sagipin
Yakapin mo 'ko, Luna, yakapin mo 'ko, Luna
Yakapin mo 'ko, Luna, yakapin mo 'ko, Luna
Hanggang magising
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com