가사

Ooh, hah Magkahawak sa dalampasigan Dapit-hapon ay tinititigan Ganyan ang pinipintang larawan Ng aking isipan t'wing hihimlay Dagat ng hiraya'y sisisirin Nanaisin, kung papipiliin 'Di na ko mamulat sa bangungot Lalo pang nalunod, dahil dito'y Dito, oh, dito, oh, dito Ooh, dito sa mundong kahalili Ako ang iyong pinili Sa panaginip ay ikaw lang ang kapiling Ayaw ko na ngang magising, ayaw kong mahinto 'Pagkat sa panaginip ay ang tanging sinisinta'y ako lang Ngunit paggising ay 'di magtatagpo Oh, t'wing gabi nakabalot ng kumot Iniisip ika'y nakapulupot Ganyan ang pinipintang larawan Ng aking isipan t'wing hihimlay 'Di ba nga raw libre ang mangarap? 'Di ba't ngayon iba ang iyong kayakap? Sana nga'y 'di na mamulat sa bangungot Lalo pang malunod, dahil dito'y Dito, oh, dito, oh, dito Ooh, dito sa mundong kahahlili Ako ang iyong pinili Dito, oh, dito, oh, dito Dito man lang aasa Dito man lang nariyan ka Sa panaginip ay ikaw lang ang kapiling Ayaw ko na ngang magising, ayaw kong mahinto 'Pagkat sa panaginip ay ang tanging sinisinta'y ako lang Ngunit paggising ay 'di magtatagpo, oh-ooh-whoa 'Di tulad ng dati, paggising ko laging ikaw ang katabi (oh) Oh, bakit ngayon panaginip na lang? 'Di tulad ng dati, laging sinasabing ako ang nag-iisa (ah) Oh, bakit ngayon panaginip na lang? (Na lang) 'Di tulad ng dati, nu'ng ikaw ang may-ari ng puso ko Bakit ngayon panaginip na lang? Sa panaginip ay ikaw lang ang kapiling Ayaw ko na ngang magising (ooh), ayaw kong mahinto, ooh 'Pagkat ('pagkat) sa panaginip ay ang tanging sinisinta'y ako lang Ngunit paggising ay 'di magtatagpo (sa panaginip) Sa panaginip ay ang tanging sinisinta'y ako lang Ngunit paggising ay 'di magtatagpo (ay 'di magtatago) Sa panaginip ay ikaw lang ang kapiling Ayaw ko na ngang magising, ayaw kong mahinto (ooh) Sa panaginip ay ang tanging sinisinta'y ako lang Ngunit paggising ay 'di magtatagpo
Writer(s): Michael Adam Shapiro, Ivan Espinoza, Marvin Querido Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out