크레딧
실연 아티스트
Sponge Cola
실연자
작곡 및 작사
Gosh Dilay
작사가 겸 작곡가
Rey Dilay
작사가 겸 작곡가
가사
Kung pwede lang wag mo na tong iwasan
At wag mo ring ituring na biro
Marahil ito'y di mo inaasahan
Pero sana'y wag ipinid ang pinto
Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sakin
Pakinggan mo ang sasabihin ko
Kailan mo ba matututunan? Kailan mo ba pagsisigawan?
Na di mo na pagkakailang tayo
Kayrami nang pinagdaanan, ano pa ba ang iyong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo
Ang diwa ko'y tigib sa kaiisip
Sa sarili laging may kinikimkim
Patuloy lamang bang mananaginip
At mananatili lang na nakapikit
Ako'y mayrong batid
Ito'y iyong pag amin
Hindi na natin maiiwasan to
Kailan mo ba matututunan? Kailan mo ba pagsisigawan?
Di mo na pagkakailang tayo
Kayrami nang pinagdaanan, ano pa ba ang iyong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo
Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sakin
Pakinggan mo ang sasabihin ko
Naiintindihan mo ba?
Kailan mo ba matututunan? Kailan mo ba pagsisigawan?
Na di mo na pagkakailang tayo
Kayrami nang pinagdaanan, ano pa ba ang iyong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo
Nagsusumamo na sabihin mo
Written by: Gosh Dilay