album cover
Flex
2
Hip-Hop/Rap
Flex은(는) {albumName} 앨범에 수록된 곡으로 2023년 4월 30일일에 2927451 Records DK2에서 발매되었습니다.Flex - Single
album cover
발매일2023년 4월 30일
라벨2927451 Records DK2
멜로디에 강한 음악
어쿠스틱 악기 중심
발랑스
춤추기 좋은 음악
에너지
BPM106

크레딧

작곡 및 작사
Jeremy Caraig
Jeremy Caraig
작사가 겸 작곡가
Jan Mico Paler
Jan Mico Paler
작사가 겸 작곡가
프로덕션 및 엔지니어링
Anthony Mortel
Anthony Mortel
프로듀서

가사

Para kang bituin, handa kong sungkitin
Palaging tandaan na ikaw ang siyang laman ng
Puso kong ito, nahumaling nang husto
Kaya kang ilarawan hanggang sa kalawakan
Ang 'yong ganda
Tunay na nakakaakit (akit)
Kaya maraming lumalapit (lapit)
Tanggal aking mga pasakit (sakit)
Sa isang ngiti mo lang parang abot ko na ang langit
Tila pangarap na gusto kong makamit
Kahit tsansa ko sa'yo ay napakaliit ugh
Para 'kong maya na bigla na lang dinagit
Sa lakas ng 'yong dating pati ako'y napapaawit
'Di maintindihan at naguguluhan
Nawawala pag nakita iyong larawan
Napakagrabe ng 'yong galawan
Pag sumabay pa hubog ng 'yong katawan
Pag ngumiti ka, di ko maiwasan na mawindang, biglang kikiligin
Kagat labi sabay ngiti lang, please lang, bakit ba hindi ko mapigilan?
Taglay mong kagandahan, lagi kong tinititigan
Ibang iba ka talaga, pagkat sa kanila, hindi ko maikumpara
Walang kaduda-duda, sila'y napag-iwanan
Hindi nakapagtataka, O Binibining mahiwaga
Sa pungay ng mata, ako'y iyong nadadala
Perpektong imahe, mula ulo hanggang paa
Wala 'kong masabi, tinamaan na talaga
Pwede ka bang mapasa'kin
Pagkat ang puso mo sa'ki'y mahalaga
Para kang bituin, handa kong sungkitin
Palaging tandaan na ikaw ang siyang laman ng
Puso kong ito, nahumaling nang husto
Kaya kang ilarawan hanggang sa kalawakan
Ang 'yong ganda
Nang aking makita, kaya tuloy ikaw ang lagi kong binibida
Mapa-social media, o kahit sa feed yan
React lamang sa post mo kahit story sa akin na pa-heart pa
Diba, hindi sa pagmamayabang, hindi naman artista
Pero hinahangaan ng tulad kong simple, sa'yo'y imposible
Pagkat ang ganda mo'y tanaw hanggang sa kalawakan
Walang oras na sayang, basta't ikaw ang laging nakikita
Maghapon magdamag, kaya ngayon panatag
Sana'y makilalang tuluyan para hindi ako nababagabag
Panay pa tanong sa kaibigan, nang mapalapit para bang higad
Kahit tuksuhin, wala akong pakialam
Mahalaga'y makausap ka kahit na magdahilan
Well, para-paraan at nakaabang
Habang lalong tumatagal ay lalo 'kong nahibang
Huwag na magtaka, kaya nahulog na'ko nang tuluyan
Sa kadahilanang tila mahirap ka nang mapalitan
Para kang bituin, handa kong sungkitin
Palaging tandaan na ikaw ang siyang laman ng
Puso kong ito, nahumaling nang husto
Kaya kang ilarawan hanggang sa kalawakan
Ang 'yong ganda
Wooh! Di bibitaw sa pagkapit
Tanong ko ay bakit sa'yo ay iba
Ang nadarama kasi nga
Para kang bituin, handa kong sungkitin
Palaging tandaan na ikaw ang siyang laman ng
Puso kong ito, nahumaling nang husto
Kaya kang ilarawan hanggang sa kalawakan
Ang 'yong ganda
Para kang bituin, handa kong sungkitin
Palaging tandaan na ikaw ang siyang laman ng
Puso kong ito, nahumaling nang husto
Kaya kang ilarawan hanggang sa kalawakan
Ang 'yong ganda
Written by: Jan Mico Paler, Jeremy Caraig
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...