가사

Hindi ako marunong sumayaw Ngunit bigla 'kong gumalaw Nu'ng ikaw na ang may hawak ng aking kamay Bawat padyak, ang puso, may sigaw Ikaw pagtapos ng ikaw pa rin Ang pipiliin kahit 'di ka man kapiling At kung malimutan ang mga hakbang Yakap mo lang ang magpapaalala Kung pa'no ang puso lumayo sa tukso Habang tinatanaw ang daan ko patungo sa 'yo Ihanda mo na ang 'yong mga kamay At puso ko ay hihimlay Sa mga titig mong nakamamatay Sa dinami-rami ng mga dahilan Sa 'yo, laging may paraan Wala nang hihigit sa 'yo maging sino pa man At kung malimutan ang mga hakbang Yakap mo lang ang magpapaalala Kung pa'no ang puso lumayo sa tukso Habang tinatanaw ang daan ko patungo sa 'yo At tayo'y lalayo patungo sa ibang mundo (patungo sa 'yo) At tayo'y lalayo patungo sa ibang mundo Ikaw ang biyayang ipagdadamutan Payapang iibig sa 'yo nang walang hanggan Hanggang sa ating pagtanda At kung malimutan ang mga hakbang Yakap mo lang ang magpapaalala Kung pa'no ang puso lumayo sa tukso Habang tinatanaw ang daan ko patungo sa 'yo ('Pag nalimutan na ang ating pagsinta) (Isang sayaw lang, ito'y maaalala) patungo sa 'yo ('Pag nalimutan na ang ating pagsinta) (Isang sayaw lang, ito'y maaalala) Ikaw ang nag-iisang palatandaan ng paa Sa bawat padyak ng pusong ayaw mawala Patuloy lang na hahakbang kahit 'di ko man alam Kung pa'no, kung papa'no sumayaw
Writer(s): Maria Reina C. Feliciano, Rogelio M. Feliciano Jr. Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out