album cover

Hinga

Indie Pop2023
album cover
Hinga은(는) {albumName} 앨범에 수록된 곡으로 2023년 10월 27일일에 Stages Sessions에서 발매되었습니다.WLNGPLNB
앨범WLNGPLNB
발매일2023년 10월 27일
라벨Stages Sessions
언어English
BPM169
멜로디에 강한 음악
어쿠스틱 악기 중심
발랑스
춤추기 좋은 음악
에너지

가사

Romeo Vidal, bente siyete anyos
Nars sa ospital, taga Malolos
Katawan ko ay pagal at sobra nang tagal
Mula nang huli kong mayakap ang aking mama't papa
Dito ay wala nang kama
Nagkakaubusan ng kwarto sobra ng puno
Oras-oras may tinatakbong bagong kaso
Pila-pilang sasakyan
Mga pasyente na walang mapaglagyan
Labing anim na oras na 'ko dito
Walang pumapalit mga kasama ko, isa-isa nang nagkakasakit
Paano kung ako naman ang tamaan?
Paano kung hindi ko pala ito kayang labanan
Sa nasa itaas, nagmamakaawa na matapos na
Nakakapagod na, ayoko na
'Di na ako makahinga
Hanggang kailan ba ang delubyo?
Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos 'tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?
Gabriel Andrada, tatlumpu't lima
Ahente sa umaga, sa gabi ay banda
Nagrerenta sa Maynila
Kasama ang asawa ko't dalawa naming anak
Nung wala pa 'tong delubyo
Ang hirap nang pagtagpuin ng dulo't dulo
Kahit pagsamahin pa ang aming sweldong mag-asawa
Minsan sapat, madalas pa rin salat
Biglang nagkaganyan hindi ko napaghandaan
Biglang walang mabenta, biglang walang matugtugan
Ang dati nang mahirap, mas humirap pa
Kahit anong diskarte ang gawin ko, nagkukulang talaga
Paano kung hindi na tayo bumalik sa dati?
Paano ang pamilya kong batbat ng dalamhati
Sa nasa itaas, parang awa na
Nakakapagod na, ayoko na
'Di na ako makahinga
Hanggang kailan ba ang delubyo?
Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos 'tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?
Albert Domingo, singkwenta'y kwatro
Positibo
Hindi ko alam paano ko nakuha 'to
Nag-ingat naman ako
Ang huling naaalala ko namili kaming pagkain
Gayun na rin lahat ng pwede naming kailanganin
Ilang araw lang lumipas, nilagnat ng alanganin, naghahabol ng hangin
Itakbo nyo na ako! Kahapon lang mapayapang nasa bahay
Ngayon isang tangke sa paghinga'y umaalalay
Naisip ko pamilya ko, kailangan pa nila ako
Buntis pa ang panganay ko sa una kong apo
Natatakot na ako
Paano kung hindi ko na mayakap ang asawa ko?
Sa nasa itaas, pahingi pa sanang oras
Parang awa mo na, sige na
'Di na ako makahinga
Hanggang kailan ba ang delubyo?
Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos 'tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?
Written by: Davey Langit, Therese Villarante

Shazam 꼬리말

언어 선택:
Google Play Store
Apple App Store
Chrome Web Store
Galaxy Store

Shazam 팔로우하기

Loading...