album cover
Optimistiko
album cover
Optimistiko은(는) {albumName} 앨범에 수록된 곡으로 2024년 3월 21일일에 Jthan에서 발매되었습니다.Optimistiko - Single
2024년 3월 21일
라벨Jthan
BPM96
멜로디에 강한 음악
어쿠스틱 악기 중심
발랑스
춤추기 좋은 음악
에너지

가사

Saking Sarili Pinangako na mag wawagi ako
Hindi pa man sa ngayon pero mangyayare to
Ano mang kabigoan at problema matamo
Mananatili parin na ang isip OPTIMISTIKO
Sisikapin kong makuha kung ano ang para sakin
Kikilosan ko lahat ng aking mga panalangin
Pamilyang naniniwala di sila bibigoin
Katuparan bibigay dahil busilak ang Hangarin
Ilang ulit man akong subukin ng kaparalan
Patuloy lang lalaban at laging gagalingan
Wala mang nakasuporta sa aking bawat galaw
Kahit kokonti pag-asa ako'y hindi bibitaw
Hinding hindi mawawalan ng tiwala sa sarili
Patuloy maniniwalang pangarap ko mangyayari
Mababa man tingin ngayon sakin ng iba
Darating din panahong ako'y magkakahalaga
Paahon na kumilos na may pag papakumbaba
Ako'y nasa kamay ng diyos kaya dibdib walang kaba
Piniling sumariling kilos na pangarap ang dala
Sa pagiging kapos angkan ko ikakawala
Oras di na sasayangin sa walang katuturan
Puhunan na itururing upang sarili tulungan
Laging Sento pursyento na ibubuhos ang galing
Kalangitan at may kapal sa gusto ko aayon din
Saking Sarili Pinangako na mag wawagi ako
Hindi pa man sa ngayon pero mangyayare to
Ano mang kabigoan at problema matamo
Mananatili parin na ang isip OPTIMISTIKO
Sisikapin kong makuha kung ano ang para sakin
Kikilosan ko lahat ng aking mga panalangin
Pamilyang naniniwala di sila bibigoin
Katuparan bibigay dahil busilak ang Hangarin
Saking puso at isipan madiin kong tinanim
Na hindi ako habang buhay nasa ilalim
Dahil umiikot ang gulong ng kapalaran
Darating din panahong estado namin aalwan
Lumalaban ako sa buhay, Di para may gantihan
Bagkus para mairaos pamilya sa putikan
Buhay hindi paligsahan sa sarili paalala
Yung abilidad ko't dunong sa mabuti dinala
Panginoon salamat po sa talento't kakayahan
Salamat din sakabila ng lahat di moko iniwan
Kaya ano mang sapitin ko sa buhay na paet
Ang salitang pagsuko? hindi sumagi sa isip
Kahirapan at sarili lang kalabang kilala
Yan ang turo sakin ng Syodad na laging abala
Hinaharap mang mga hamon palala ng palala
Makukuha ko rin tagumpay kong nakakalula
Saking Sarili Pinangako na mag wawagi ako
Hindi pa man sa ngayon pero mangyayare to
Ano mang kabigoan at problema matamo
Mananatili parin na ang isip OPTIMISTIKO
Sisikapin kong makuha kung ano ang para sakin
Kikilosan ko lahat ng aking mga panalangin
Pamilyang naniniwala di sila bibigoin
Katuparan bibigay dahil busilak ang Hangarin
Saking Sarili Pinangako na mag wawagi ako
Hindi pa man sa ngayon pero mangyayare to
Ano mang kabigoan at problema matamo
Mananatili parin na ang isip OPTIMISTIKO
Sisikapin kong makuha kung ano ang para sakin
Kikilosan ko lahat ng aking mga panalangin
Pamilyang naniniwala di sila bibigoin
Katuparan bibigay dahil busilak ang Hangarin
Written by: Jonathan Arizala
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...