뮤직 비디오

뮤직 비디오

크레딧

실연 아티스트
Exb Music
Exb Music
백그라운드 보컬
프로덕션 및 엔지니어링
Exb Music
Exb Music
프로듀서

가사

1ne
Flow G, Ex-B
Alam ko na kahit sa'n tignan, talagang napakagulong pagmasdan
Kasi iba ang pakiramdam ko sa 'yo, kaso kahit iparamdam ko, 'di ka makaramdam (ramdam)
Kahit na pigilin ko, feeling ko, 'di na kayang burahin ka pa sa isip ko
Inalipin mo ako simula nang mahuli mo ako sa titig mo
At 'di ko na napigilan na't nagtuloy-tuloy na (nagtuloy-tuloy na)
Dumating na sa puntong madalas ako na kulitin ka na
"Ayos ka lang ba? Sa'n ka pupunta?"
Gusto ko lang samahan ka, kaso nga lang parang sobra na
Kasi sa totoo lang, wala naman talaga akong karapatan
Oo, alam ko naman, dahil magkaibigan lamang ang turingan
Kung alam mo lang na mas higit pa sa kaibigan ang pakiramdam ko sa 'yo
Nalaman mo sana na kahit na wala pang tayo ay nasasaktan na ako
Sarili ko ay hindi ko na maintindihan
Alam ko namang 'di ko 'to dapat maramdaman
Dahil 'di mo din naman kayang suklian ang pagmamahal ko
Magkaibigan lang ang turingan
Pero ako'y nasasaktan, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo ('la)
Walang tayo ('la), walang tayo (yeah, 1ne)
Yeah, 'di ko alam ba't ang puso'y naakit (puso'y naakit)
Ayy, iniisip palagi, tanong ko ay "Bakit?" (Damn)
Ako'y nagagalit 'pag may lumalapit
Baby, at kahit sa 'kin magalit, 'di ko alam ba't ang puso'y naakit
Basta alam ko lang kahit walang tayo
Ako ay napapasaya 'pag hawak ko kamay mo
Basta alam ko lang kahit walang tayo
Ibang-iba'ng pakiramdam ang nararamdaman ko
Kaya ako'y nasasaktan 'pag may ibang katabi
At 'di ako ang kaharap mo
Pero kahit gano'n pa man, nandito lang, nag-aabang
Baby, kahit walang tayo
Sarili ko ay hindi ko na maintindihan
Alam ko namang 'di ko 'to dapat maramdaman
Dahil 'di mo din naman kayang suklian ang pagmamahal ko
Magkaibigan lang ang turingan
Pero ako'y nasasaktan, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Walang tayo, walang tayo
Gusto talaga kita, kaso lang ako lang ang nakakaalam
Kung puwede lang kitang utusan na ibigin mo rin ako, ginawa ko na 'yan
Kaso nakakandado na tayo na hanggang kaibigan lang
Kaya ano'ng magagawa ko?
Sarili ko ay hindi ko na maintindihan
Alam ko namang 'di ko 'to dapat maramdaman
Dahil 'di mo din naman kayang suklian ang pagmamahal ko
Magkaibigan lang ang turingan
Pero ako'y nasasaktan, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Nasasaktan ako, kahit na walang tayo
Walang tayo, walang tayo
Written by: Archie Dela Cruz, Mark Maglasang
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...