album cover
Karayan
album cover
Karayan은(는) {albumName} 앨범에 수록된 곡으로 2026년 7월 18일일에 MATOKI에서 발매되었습니다.Karayan - Single
2026년 7월 18일
라벨MATOKI
BPM93
멜로디에 강한 음악
어쿠스틱 악기 중심
발랑스
춤추기 좋은 음악
에너지

가사

Tirik ang araw nanaman
Mabibilad sa initan
Ang ating alinlangan
Paano ba magpapaalam
Kung ikaw naalala sa
Araw-araw?
Tuyo ang Karayan
Hanggang talampakan lang
Ang agos at maligamgam
Sabihin ang nawawala
Nag-uumapaw
Sa'ting mga labing
Pakiramdam
Makasama ka palagi
May alaalang dalamhati
Bawat patak
Ng orasan, nagbibilang
Inaasam lang ang ginaw
Naliligaw, nababasa
Bawat yapak
Hinaharap ba ay ikaw?
Kung akin mang lalakbayin
Hantungan ba'y ikaw parin
Naglalaro ang pawis at
Namamasang pilik-mata
Sa lalim mong lulan
Kung lalakas man ang ulan
Ay sino ang magtatakip
Sa ating bunbunan?
Laging naluluha
Hapdi sating mata
Bawat patak
Ng orasan, nagbibilang
Inaasam lang ang ginaw
Naliligaw, nababasa
Bawat yapak
Hinaharap ba ay ikaw?
Kung akin mang lalakbayin
Hantungan ba'y ikaw parin
Makasama ka (Palagi)
Makasama ka (Palagi)
Makasama ka (Palagi)
Makasama ka
Makasama ka (Palagi)
Makasama ka (Palagi)
Makasama ka
Palagi
Written by: Vladymir John Estudillo
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...