Songteksten
Nadarama bawat paglipas ng panahon
Na ika'y hindi kapiling at katabi
Nalulungkot, kailan makaka-ahon
Sa iyong paglisan at hindi pananatili
Kailan kaya? Babalik pa ba ang dating pagtingin?
Kailan kaya? Babalik pa ba sinta?
Ang dating pag-ibig na sa atin ay nawaglit
At bakit pa pinilit kahit na ito'y masakit
Nagaantay hanggang sa bukang liwayway
Ng kasagutan kung bakit mo ko iniwan
Kailan kaya? Babalik pa ba ang dating pagtingin?
Kailan kaya? Babalik pa ba sinta?
Ang dating pag-ibig na sa atin ay nawaglit
At bakit pa pinilit kahit na ito'y masakit
Sa paglipas ng panahon
Damdamin mo'y nanlalamig
Pag-ibig mo kaya ay akin pang masasagip?
Bawat sakit at hapdi na iyong pinadama
Sa langit at hangin nalang ito ipauubaya
Ang lahat ng alaala mo'y sa utak ko nakakatatak
Ngunit sa kabila nito'y bawat luha'y pumapatak
Ang tulad ba natin ay sadyang walang pagasa
Hindi ba pwedeng ikaw at ako'y nakatadhana?
Ang dating pag-ibig na sa atin ay nawaglit
At bakit pa pinilit kahit na ito'y masakit
Ang dating pag-ibig na sa atin ay nawaglit
At bakit pa pinilit kahit na ito'y masakit
Writer(s): William Kaymart Maramba
Lyrics powered by www.musixmatch.com