Credits
PERFORMING ARTISTS
Rocksteddy
Performer
Anne Curtis
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Teddy Corpuz
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Shinji Tanaka
Producer
Songteksten
Nakita kita na nakaupo do'n sa may gilid ng classroom
Na nag-iisa at nakayuko, may sinusulat sa notebook mong
May picture pa ng paborito mong love team ni Marvin at Jolina
Gamit ang lapis mo na may kagat pa sa dulo ng pambura
Tumingin ka sa 'kin, ngumiti, bakit? Ano'ng ibig sabihin?
Ako ay natorpe, dedma kunwari, sa iba 'binaling
Papaliparin, hahayaan na lang tangayin ng hangin
Papaliparin, 'pauubaya na lang sa tadhana ang damdamin
Mananalangin, sana ay dinggin, tatawagin ang lahat ng mga anghel
Papaliparin, sana'y lumanding, liham kong gawa sa eroplanong papel
Nakita kita do'n sa may canteen at nagre-recess nang mag-isa
At suot-suot mo pa ang Walkman mo at nakikinig ka ng kanta
Kumakain ka ng sandwich at mayro'n pang sitsirya at Zest-O na kasama
Sa lunchbox mong Hello Kitty na kulay pink at may katernong baso pa
Sumulyap ka sa 'kin, ngumiti, bakit? Ano'ng ibig sabihin?
Ako'y natorete, dedma kunwari, sa iba na lang 'binaling
Papaliparin, hahayaan na lang tangayin ng hangin
Papaliparin, 'pauubaya na lang sa tadhana ang damdamin
Mananalangin, sana ay dinggin, tatawagin ang lahat ng mga anghel
Papaliparin, sana'y lumanding, liham kong gawa sa eroplanong papel
Biglang may lumanding, sa'n ba 'to galing? Palaisipan sa akin
Ako ay nagulat sa nakasulat, ako ba'y nananaginip?
Hindi mo lang alam, kay tagal na din kitang pinagmamasdan sa classroom
Nakita kita na nakayuko, may sinusulat sa notebook mong
May picture pa sa harapan ng paborito mong si Robin at si Batman
Gamit ang lapis mo at pencil case na may kasama pang pantasa
Pasensiya na sa 'kin kung mahiyain, 'di ko rin alam ang gagawin
Pa'no sasabihin aking damdamin? Dito ko na lang din ibabaling
Papaliparin, hahayaan na lang tangayin ng hangin
Papaliparin, 'pauubaya na lang sa tadhana ang damdamin.
Mananalangin, sana ay dinggin, tatawagin ang lahat ng mga anghel
Papaliparin, sana'y lumanding, liham kong gawa sa eroplanong papel
Eroplanong papel
Eroplanong papel
Writer(s): Rocksteddy, Teddy Corpuz
Lyrics powered by www.musixmatch.com