Kredyty
PERFORMING ARTISTS
Jimmy Bondoc
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Jimmy Bondoc
Songwriter
Tekst Utworu
Nagdidilim na ba'ng langit natin?
Ba't parang may ulang parating?
Dumadalas na ang unos sa 'ting pagsasama
Mayro'n ba akong nagawa?
Mayro'n ba akong nasabi na masama?
Nagsasara na ba'ng ulap natin?
Ba't parang 'di ka na sinlambing?
Dumadalas na ang iyong biglang pagtahimik
At tumabang na ang 'yong halik
Matutupad ba'ng pangako mong pagbalik?
At kung mayro'n ka pang hinahanap na hindi ko mabigay
Hingin mo lang, hingin mo lang
At kung mayro'n naman akong hilingin sa 'yo
Bigay mo sana, bigay mo sana
Konti man lamang kalinga
Konti man lamang karinyo at tiwala
At wala na 'kong hihingin pa
Konti man lamang kalinga
Konting paglingap at konting paghanga
At 'di ko na aabutin pa ang tala ng laya
'Pag 'di ka kasama, kalayaa'y wala
Nagsisikip na ba'ng mundo natin?
Ba't lagi'ng paghingang malalim?
Dumadalas na ang ating biglang pagsasawa
Nais mo na bang lumaya?
Kung 'di ka malaya sa 'kin, dapat na nga
At kung mayro'n ka pang hinahanap na hindi ko mabigay
Hingin mo lang, hingin mo lang
At kung mayro'n naman akong hilingin sa 'yo
Bigay mo sana, bigay mo sana
Konti man lamang kalinga
Konti man lamang karinyo at tiwala
At wala na 'kong hihingin pa
Konti man lamang kalinga
Konting paglingap at konting paghanga
At 'di ko na aabutin pa ang tala ng laya
'Pag 'di ka kasama, kalayaa'y wala
Mahal pa rin kita
Kaya't 'di sana magwakas
Matulog muna tayo
At magmahalan bukas
Writer(s): Jimmy Bondoc
Lyrics powered by www.musixmatch.com