album cover
Pahinga Muna
Pop
Utwór Pahinga Muna został wydany 7 maja 2026 przez Day One Records jako część albumu Still Playing - Single
album cover
Data wydania7 maja 2026
WytwórniaDay One Records
JęzykEnglish
Melodyjność
Akustyczność
Valence
Taneczność
Energia
BPM72

Teledysk

Teledysk

Kredyty

PERFORMING ARTISTS
Ace Michael Portales
Ace Michael Portales
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Ace Michael Portales
Ace Michael Portales
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Ace Michael Portales
Ace Michael Portales
Mastering Engineer

Tekst Utworu

Sa dilim ng gabi
Humihina ang ilaw
Pagod mong dala
Bumibigat bawat galaw
Hindi mo man sabihin
Dama kong umaapaw
Dito ka muna ipikit ang mata hayaan ang antok ang umagaw
Dahan-dahan lang, huwag mong pilitin ang katawan
Hindi lahat ng laban kailangan mong pagdaanan
Kung napapagod ka na, ako muna ang sandalan
Kung mabigat na ang lahat, ilapag mo ang pinapasan
Hindi mo kailangang mag-isa sa bawat pinagdadaanan
Pahinga muna
Bukas lalaban ka
'Di pa man mayaman
Malayo ka na
Dito lang ako sa tabi mo
Ipaghehele kita
Sa piling ko
Makakahinga ka
Para sa mahal mo
Para sa pangarap mo
Bawat patak ng pawis ay may patutunguhan na totoo
Kahit mahirap ang daan
Tuloy lang ang takbo
Sa dulo ng lahat, makakamit mo ang gusto mo
Dahan-dahan lang, huwag mong pilitin ang katawan
Hindi lahat ng laban kailangan mong pagdaanan
Kung napapagod ka na, ako muna ang sandalan
Kung mabigat na ang lahat, ilapag mo ang pinapasan
Hindi mo kailangang mag-isa sa bawat pinagdadaanan
Pahinga muna
Bukas lalaban ka (bukas lalaban ka)
'Di pa man mayaman
Malayo ka na
Dito lang ako sa tabi mo
Ipaghehele kita
Sa piling ko
Makakahinga ka
Hinga lang muna, dahan-dahan
Huwag mong akuin ang bigat ng mundo mag-isa lang
Sa bawat gabi may liwanag kang daratnan
Mahal, kasama mo ako sa bawat hakbang
'Di ka iiwan kailanman
Pahinga muna
Bukas lalaban ka (bukas lalaban ka)
'Di pa man mayaman
Malayo ka na
Dito lang ako sa tabi mo
Ipaghehele kita
Sa piling ko
Makakahinga ka
Makakaya mo na
Written by: Ace Michael Portales
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...