Letra

Heto na naman ang pusong gising na gising Sabik sa mga yakap mong kay lambing Umaga na pala pero walang pakialam Kausap ka, pahingi pa ng sandali Minsan lang ako magkaganito Puso kong umidlip, ginising mo Ang panalangin ko Ako sana'ng naiisip mo Bago pumikit ang 'yong mata Ayokong managinip nang mag-isa Heto na naman lumusong ang pusong sabik 'Di na mahintay masilayan ang iyong labi Gabi na pero iniisip ko pa rin Buong araw mo sa aking piling Minsan lang ako hindi malito Puso kong naligaw ay nahanap mo Ang panalangin ko Ako sana'ng naiisip mo Bago pumikit ang iyong mata Ayokong managinip nang mag-isa Ang panalangin ko Ako sana'ng naiisip mo Bago pumikit ang iyong mata Ayaw na managinip nang mag-isa 'Di makatulog 'Di makatulog 'Di makatulog 'Di makatulog 'Di makatulog 'Di makatulog 'Di makatulog 'Di makatulog
Writer(s): Gesmund Ballecer Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out