Créditos
Letra
Abutin kahit mahirap
Noon ko pa pangarap makapanik nagbakasakaling makahalik
Sa kasikatang hangad ng karamihang paglikha ng musika ang kinakapitan
Ngunit tila'y may nangtapik, dating kapanapanabik
Ngayon pakapa-kapa pabalik
Ayoko nang habulin dahil subrang tulin
Kabliktaran na yata ang makakamit
Matawag na tanyag? yan ba talaga ang plano niya
O may iba pang dapat paglaanan nitong aking kakayahan
San ba titignan, hindi ko mabuksan nakasaradong sisidlan
Sinisid ang misteryo ng sining at napagtantong wala pa sa kalingkingan
Ng mga hinirang ang nalalaman ko,
Pag-aalinlangang hinihila na naman ako
Takot at pangamba ang nadarama habang nag lalakad sa walang katiyakan
Nakayapak ang mga paa, ginhawa hinahanap hanap ka
Nitong nagdaan lito na naman, nag-aabang sa bagong kabanata.
Anong humahadlang? kaya ba naliligaw dahil ayokong bumitaw.
Mga tanong at dahilan nung papaano ba o bakit kung para sakin 'tong
Napili kong tahakin ay bahala na kung saan ako dadalhin ng hangin
Kung sakali na palarin maging akin ang hangarin sa lakaring ninanais
Kahit na rason ko sa eksena ay gusto nilang hamakin kagustuhan ko ito
Na maisama sa pasanin
Halintulad sa papel na kamay mo ang susulat
Patutunguhan sa dulo ay ako din ang tutulak
Dulong kayang marating na walang sinong makasukat
Sugat sa kanila ang layo mong hindi na maabutan
Pabilibin lang ang sarili ko at wag ang iba muna
Paliwanagan ang tingin nila sayong nalalabuan
Pabulaanan mga matang nag mamataas sayo na malula
Hangang sa kanila naman ang mapapatay mong pagdududa
Hindi natin kontrol ang ihip ng pagbabago
Nabuong bula sa isang pitik ay maglalaho
Nagpukpok buhat ng hindi mapako ang pangako ng kahapon
Sana'y sumang-ayon ang alon ng pagkakataon ngayon
Nitong nagdaan lito na naman, nag-aabang sa bagong kabanata
Anong humahadlang?
Kaya ba naliligaw dahil ayokong bumitaw sa mga pangarap ko
Aabutin kahit mahirap, tuloy-tuloy lang
Madapa ka man laging tandaan tatatagan mo lang
Lahat ng bagay ay may dahilan.
Wag kang matakot
Hindi natin kontrol ang ihip ng pagbabago
Nabuong bula sa isang pitik ay maglalaho
Nagpukpok buhat ng hindi mapako ang pangako ng kahapon
Nitong nagdaan lito na naman, nag-aabang sa bagong kabanata
Anong humahadlang?
Kaya ba naliligaw dahil ayokong bumitaw sa mga pangarap ko
Aabutin kahit mahirap, tuloy-tuloy lang
Madapa ka man laging tandaan tatatagan mo lang
Lahat ng bagay ay may dahilan

