Letra

Mula nang aking masilayan, tinataglay mong kagandahan 'Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan Pag-ibig ko sana ay pagbigyan Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa? Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na Sana'y hayaan mong ibigin kita, maghihintay pa rin at aasa Masaya ka ba 'pag siya ang kasama, 'di mo na ba ako naaalala? Mukha mo ay bakit 'di ko malimot-limot pa? Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan Pag-ibig ko sana ay pagbigyan Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa? Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na Sana'y hayaan mong ibigin kita, maghihintay pa rin at aasa Sa pag-ibig mo na may nagmamay-ari na Nais ko lang malaman mo na minamahal kita Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa? Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na Sana'y hayaan mong ibigin kita, maghihintay pa rin at aasa
Writer(s): Saturno Vehnee, Saturno Vehnee A Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out