Letra

Ilang kanta pa ba ang aawitin mo? Ilang libro pa ba ang tatapusin mo? Alas-dose ng umaga, nakahiga sa kama Naghihintay ka lamang sa wala Hindi ka ba napapagod, sinta? Ginawa mo naman lahat, wala pa rin talaga Hanggang saan kaya ang kaya? Hanggang kailan aasa Kahit alam mong 'di ka niya Pipiliin Susunduin? Ibigay mo man lahat, mahalin mo nang sapat Kung 'di ikaw ang gusto, 'di ikaw ang gusto 'Wag pilitin Ang 'di para sa 'tin Tanggapin mo ang lahat, mabigat o magaan Dahil kung para sa 'yo, para sa 'yo Paano ka kaya nabubuhay Sa mga pangakong binitawan na laging sablay? At sa pag-ibig na 'di tama, paninindigan nga ba? Paano umaasa kung wala namang mapapala? Tingnan sarili mo, 'yan ba talaga ang 'yong gusto? Luha dito, pati doon, puso'y 'di na naghilom Tunay na pag-ibig ang minimithi Kalimutan mo na, dahil alam mong 'di ka Pipiliin ('di ka pipiliin) Susunduin ('di ka susunduin) Ibigay mo man lahat (ibigay, ibigay), mahalin mo nang sapat (mahalin man nang sapat) Kung 'di ikaw ang gusto, 'di ikaw ang gusto 'Wag pilitin ('wag na lang ipilit) Ang 'di para sa 'tin (ang 'di para sa 'tin) Tanggapin mo ang lahat (tanggapin, tanggapin), mabigat o magaan (mabigat o magaan) Dahil kung para sa 'yo, para sa 'yo, oh-oh Whoa-oh-oh, oh-oh Para sa mga hindi pinili, masakit sa umpisa, alam ko Pero alam ko din na kakayanin mo, okay lang 'yan Darating din 'yung panahon na ikaw naman 'yung sasaya Basta, ingatan mo 'yung sarili mo at magtiwala ka lang sa Kanya Kasi lahat ng pinagdadaanan mo ngayon, may magandang kapalit 'yan Naniniwala ako, naniniwala ako sa 'yo
Writer(s): Arthur Miguel Quimpo Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out