Letra

Bulong ng 'yong puso, aking naririnig 'Di ka malayo, iisa'ng ating tinig Sa Diyos, nagtitiwala, daan ay mahahanap Ito ang paalala sa lahat Niyang anak Hakbang pa, kapit lang, wala sa 'ting maiiwan Kaya pa, laban lang, gabay nati'y pagmamahalan Andito muli ang himala ng Pasko Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa Andito tayo para sa isa't isa Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh Para sa isa't isa Sa pangangamba, hindi patatangay Panahon ma'y mag-iba, laging kapit-kamay Lahat haharapin nang magkasama Isa't isa'y aakayin, tayo ay pamilya Hakbang pa, kapit lang, wala sa 'ting maiiwan Kaya pa, laban lang, gabay nati'y pagmamahalan Andito muli ang himala ng Pasko Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa Andito tayo para sa isa't isa May liwanag sa dulo ang lahat ng ito Sa bagong simula ng daigdig, maghahari na'ng pag-ibig Hakbang pa, kapit lang, wala sa 'ting maiiwan Kaya pa, laban lang, gabay nati'y pagmamahalan Andito muli ang himala ng Pasko Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa Andito tayo para sa isa't isa Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh Para sa isa't isa Yo, andito si Nanay 'tsaka si Tatay Pag-ibig nila'y liwanag sa 'tin nakaagapay Andito rin ang mga guro at kabataan Pinaglalaban nila, ating kinabukasan Uh, uh, andito ang mga anghel sa lupa Kalinga nila'y pagpapala na 'di humuhupa Andito ang puso ng mga nangibang bayan Malayo man sila, dito laging mayro'ng tahanan Andito ang mga nag-iingat sa atin Saludo tayo, tapat sila sa tungkulin Andito ang mga naglilingkod sa kapuwa Salamat sa dala nilang ginhawa Andito ang paghilom at pag-asa Dahil andito tayo para sa isa't isa Hakbang pa, kapit lang, wala sa 'ting maiiwan Kaya pa, laban lang, gabay nati'y pagmamahalan Andito muli ang himala ng Pasko Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa Andito tayo para sa isa't isa Andito muli ang himala ng Pasko Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa Andito tayo para sa isa't isa Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh (para kanino, para kanino? Para sa isa't isa, tayo andito) Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh (para kanino, para kanino? Para sa isa't isa, tayo andito) Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh (para kanino, para kanino? Para sa isa't isa, tayo andito) Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh (para kanino, para kanino?) Para sa isa't isa (para sa isa't isa tayo, andito)
Writer(s): Love Rose De Leon, Robert Labayen, Thyro Alfaro, Xeric Tan Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out