Видео

В составе

Создатели

ИСПОЛНИТЕЛИ
B-Boy Garcia
B-Boy Garcia
Проигрыватель пластинок
МУЗЫКА И СЛОВА
Ron Joseph Atacador Henley
Ron Joseph Atacador Henley
Автор песен
ПРОДЮСЕРЫ И ЗВУКОРЕЖИССЕРЫ
Pino G
Pino G
Продюсер

Слова

Daanang kanina'y tuwid, panay kurba Mga tahi-tahing pangungusap ang nagpakulay sa burda Ramdam mo ba 'yung alon? Handa na 'kong masuka Tara, pumasok na sa pintuan, bago pa magsara Gan'to pala 'pag nagbabalat ang langit, kulay kalabasa Tubig na mula sa Nawasa, naging prutas ang lasa Mga salitang nagkasundo, mensahe'y pasa-pasa Mga numero sa mundong ito, tila may pinapabasa 'Yung nasa dingding ay nagsasalita, sirang plaka 'Di kaya pinaglalaruan lang ako ng utak ko at ako mismo ang taya? Kaya 'di nagpabaya, baka tuluyang maligaw, mawala Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig Naging larawan ang nagkaisang mga butas ng banig Ingat lang sa pagpanik 'pagkat sadyang matarik Basta, tandaan mo lang ang daan pabalik Kapit ka lang maigi, 'wag mo 'kong bibitawan Ramdam ko ang hiwagang bumabalot Sa liwanag na bumabanda sa buwan Ang ibig ko lang sabihin, 'wag mo 'kong iiwanan Bago magamit 'yung duyan Kailangan daw munang 'yung papag ang unang mahigaan Bulag man ako sa oras, nasipat ko naman ang katotohanan Sa likod ng kalawakan, nakita ko sila, ngunit 'di ko mahawakan Baka lang maabala at mukha naman silang masayang nagsasayawan Mga guhit na nag-uugnay sa pagitan ng mga bituin Naging tigre 'yung isa sa mga dating nailigaw na kuting Ang mga pira-pirasong pangarap na kailangan pang buuin Tinanim sa lupang bibihira tumaba, kaya ayaw nilang dakutin Buhat nu'ng ako'y naliwanagan, isang malubak na lansangan, naging bagong kapatagan Kung walang pusong pinayayaman, isa lamang pangit na pulubi ang kayamanan Ang buhay man ay maulan, pero tandaang tubig ang dahilan kung ba't may kakahuyan Ingat lang sa pag-akyat sapagkat sadyang matarik, basta sundan mo lang ang daan pabalik Kapit ka lang maigi, 'wag mo 'kong bibitawan Ramdam ko ang hiwagang bumabalot Sa liwanag na bumabanda sa buwan Ang ibig ko lang sabihin, 'wag mo 'kong iiwanan Bago magamit 'yung duyan Kailangan daw munang 'yung papag ang unang mahigaan Ako'y binala sa pana Hinila pabalik sa pagiging bata Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata Umaasang sa gitna tatama Ang gabi ay lumalalim, ako'y lumulutang sa salbabidang punong-puno ng sariwang hangin Nu'ng pumutok, ako'y lumubog sa ganda ng tanawin Kaliwa't kanang tawanan, sari-sari ang pagkain 'Di ko akalaing ang pagiging mahiyain ang aking daan upang maging malikhain 'Di ko man marinig ang sinasabi nila sa 'kin sa labas Sarado man ang dalawang pintuan, kita ko sila sa bintanang nakabukas Kasabay kong huminga ang aming kisame't sahig Nagkabit-kabit na nga ang mga butas ng banig Ingat lang sa pagtawid 'pagkat sadyang matarik Basta baybayin mo lang ang daan pabalik Kapit ka lang maigi, 'wag mo 'kong bibitawan Ramdam ko ang hiwagang bumabalot Sa liwanag na bumabanda sa buwan Ang ibig ko lang sabihin, 'wag mo 'kong iiwanan Bago magamit 'yung duyan Kailangan daw munang 'yung papag ang unang mahigaan Ako'y binala sa pana Hinila pabalik sa pagiging bata Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata Umaasang sa gitna tatama Ako'y binala sa pana Hinila pabalik sa pagiging bata Pinakawalan ang nakaraang nanggigitata Umaasang sa gitna tatama
Writer(s): Ron Joseph Henley Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out