Лучшие песни Arthur Miguel
Похожие песни
Создатели
ИСПОЛНИТЕЛИ
Arthur Miguel
Вокал
Shadiel Chan
Гитара
МУЗЫКА И СЛОВА
Arthur Miguel Quimpo
Композитор
ПРОДЮСЕРЫ И ЗВУКОРЕЖИССЕРЫ
Arthur Miguel
Продюсер
Shadiel Chan
Продюсер
Слова
Ilang kanta pa ba ang aawitin mo?
Ilang libro pa ba ang tatapusin mo?
Alas-dose ng umaga, nakahiga sa kama
Naghihintay ka lamang sa wala
Hindi ka ba napapagod, sinta?
Ginawa mo naman lahat, wala pa rin talaga
Hanggang saan kaya ang kaya? Hanggang kailan aasa
Kahit alam mong 'di ka niya
Pipiliin
Susunduin?
Ibigay mo man lahat, mahalin mo nang sapat
Kung 'di ikaw ang gusto, 'di ikaw ang gusto
'Wag pilitin
Ang 'di para sa 'tin
Tanggapin mo ang lahat, mabigat o magaan
Dahil kung para sa 'yo, para sa 'yo
Paano ka kaya nabubuhay
Sa mga pangakong binitawan na laging sablay?
At sa pag-ibig na 'di tama, paninindigan nga ba?
Paano umaasa kung wala namang mapapala?
Tingnan sarili mo, 'yan ba talaga ang 'yong gusto?
Luha dito, pati doon, puso'y 'di na naghilom
Tunay na pag-ibig ang minimithi
Kalimutan mo na, dahil alam mong 'di ka
Pipiliin ('di ka pipiliin)
Susunduin ('di ka susunduin)
Ibigay mo man lahat (ibigay, ibigay), mahalin mo nang sapat (mahalin man nang sapat)
Kung 'di ikaw ang gusto, 'di ikaw ang gusto
'Wag pilitin ('wag na lang ipilit)
Ang 'di para sa 'tin (ang 'di para sa 'tin)
Tanggapin mo ang lahat (tanggapin, tanggapin), mabigat o magaan (mabigat o magaan)
Dahil kung para sa 'yo, para sa 'yo, oh-oh
Whoa-oh-oh, oh-oh
Para sa mga hindi pinili, masakit sa umpisa, alam ko
Pero alam ko din na kakayanin mo, okay lang 'yan
Darating din 'yung panahon na ikaw naman 'yung sasaya
Basta, ingatan mo 'yung sarili mo at magtiwala ka lang sa Kanya
Kasi lahat ng pinagdadaanan mo ngayon, may magandang kapalit 'yan
Naniniwala ako, naniniwala ako sa 'yo
Writer(s): Arthur Miguel Quimpo
Lyrics powered by www.musixmatch.com