Слова

'Di niyo na puwede masisi kung ba't gan'to Ginaganapan ko lang nang natural 'Tsaka inagapan ko na mautal Nilaban, sinugal, ginapang, minahal Katagalan, natutunan ko nang tumagal 'Tsaka alam ko naman na inaabangan Na sana tabangan 'yong papakawalan para 'di na abangan Kaso nga lang, palaban ang batang Alabang Kinalakihan na galingan nang galingan Kaya nakasanayan kong makabuo nang madiin 'Di ko namalayan na malayo na malayo na pala Na 'yong narating, pati ako napailing Mga naniwala, 'di ko puwedeng biguin 'Di ko puwedeng pakitaan ng bitin Mga tainga na kailangang busugin ko pa din Kahit kabisado na kilitiin Alam ko na may mata na nagbabantay kung pa'no ako sasablay Matiyagang nag-aantay kung kailan ako tatamlay at lalaylay 'Yong mga laway na laway na makita ako na mahina, umay na umay na manira Ngalay na ngalay na manghila kasi nga walang pinakitang hindi pamatay No'ng napasarap mag-rap, ang daming nagbago Daming nagbago mula no'ng kilalanin ng tao Daming nagtulak sa 'kin palaging maging ganado Palaging plakado, 'pag gumalaw palaging planado Daming pasabog kailangan 'pag malawak ang sakop Ikaw din ang talo sa laban 'pag nabalot ng takot Kung sa'n ka aabot, hakutin lahat ng mahahakot 'Yong dami ng pagod ay may sukli 'pag 'di ka madamot At kung 'di ko tyinaga, baka nauwi na sa wala Ganito pala 'to kalala, kita mo naman ang napala Pa'no kung hindi ko ginawa? 'Yong iba 'di makahalata, malaki na ang nakataya Marami na puwede mawala Kaya 'di na puwede'ng pabaya, hindi puwedeng puro mamaya Baka sa huli mapahiya Totoo na parang himala, nagsimula sa ibaba, tiningala Matagal ko din 'yang kinapa kada gawa 'Di madapa 'yong kalidad, 'di mo nakitang binaba No'ng marami pang nagdududa, puro kilos ang inuuna Ngayon, kita mo namumunga, tumutubo Napakarami kong nakukuha pero 'di pa rin nalulula Ta's sa ugali, wala pa ring binago Tao pa rin 'pag humaharap sa tao Pero 'pag usapang rap, paiba-iba 'ko Literal na may bago kang aabangan sa tuwing may ilalabas na bago 'Yon ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi Para mas lalo sila ganahan, 'di 'yong mga bago ko hanapin 'Yong iba naman nabababawan, pero 'di na para atupagin 'Di kasi nila maunawaan na 'yong bulsa ko pinapalalim Kahit papaano naman, naganapan ko paunti-unti Gumalaw nang pino, hindi maitatangging iba din ang laking Munti Tila may anting-anting sa galing, himala 'yong kuting ay naging kambing Sa dami ng hinain na putahe, puwedeng akalaing malaking canteen 'Yong iba, nakahalata na sa pangalan at plaka Nagiging malala bigla lalo 'pag pabaliktad na binasa (Wolf) 'Pag gumagawa, ginagawa, magagawa, maiba lang ang lasa Para maipakita ko din na 'di na 'ko gumagawa nang basta-basta Ngayon, lalo pang nananabik Kasi mayro'n nang bumabalik Gagawin ko pa rin nang gagawin Ngayon, sa'n pa kaya 'ko nito dadalhin? Subok na subok na 'yong lagi niyong sinusubok no'n 'Yong mga nanubok, 'yong ilong umusok 'tsaka kumulo tumbong Eto na ngayon 'yong mga sinabihan niyong gunggong Sa tuktok na kami tumutungtong, eto 'yong hindi niyo matutunton 'Tsaka ramdam niyo na ring pataas kami nang pataas Kada labas, kahit hindi madalas, palakas pa rin nang palakas Sa 'min na 'tong palabas, mabanas kayo nang mabanas Pagka usapang 'Pinas, pasok kami diyan, hindi na mapapalabas 'Wag ka na magtaka, ba't nangyari at papa'no Kasi kitang-kita niyo naman, malinaw pa sa klaro Sarili na lang ang tinatalo Oo, wala nang iba, halata kasi nga no'ng 'yong uso naiba Oh, 'di ba, 'yong iba nabura?
Writer(s): Flow G Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out