Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Quest
Quest
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jose
Jose
Composer

Lyrics

Ito ang alay ko, ito ang istorya mo Alamat na kailangan makilala ng buong mundo Isang pagpupugay, kailangan ipagdiwang Pasasalamat at ika'y isinilang 'Di pangkaraniwan, para s'yang superhero Hinarap lahat ng pagsubok, 'yung iba, hindi biro Mayro'n s'yang misyon kaya walang takot sumabak Mga buhay na nakasalalay sa kanyang pangarap Parang pelikula, action, adventure, drama May konting comedy, love story na pangmasa Galing sa wala, akala mo, talo na, tapos 'Yun pala, s'ya 'yung bida, kaya lahat sila, paos Kasisigaw, kahihiyaw, selebrasyon Buong mundo magtataka, kakaibang okasyon Itaas ang kamay, sumigaw ng "Hoy!" (Hoy!) Ito ang araw mo, bayaning Pinoy (Saludo) Sa mga bida na tunay Na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay (Saludo) Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, 'di nagpaalila (Saludo) Sa inspirasyon, karagdagang lakas Salamat, dumaan kayo sa tamang landas (Saludo) Kami sa inyo ay saludo, saludo Walang balak sumuko, walang planong gumuho Tagumpay lang, walang iba, binigay n'ya buong puso Hinarap lahat ng tuso, pati mga abuso Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso Ang buhay, positibo, agresibo mismo Kaya pinarangalan s'yang bayaning Pilipino Taas-noo, kahit pango, 'di nabigo 'Di nalito, 'di huminto, inabot n'ya ang ginto Ngayon, tahimik na lahat ng kritiko Bukangbibig na rin nila ang mga hirit mo Hanggang nag-trending, ang daming likes, 'di na makalimutan Front page, headlines, hanggang sa kanto, laman ng kuwentuhan Pag-asa'y pinagsaluhan pero 'di naubusan Binigay nang lubusan hanggang sa huling hantungan Buhay na buhay, walang humpay, tagumpay (Saludo) Sa mga bida na tunay Na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay (Saludo) Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, 'di nagpaalila (Saludo) Sa inspirasyon, karagdagang lakas Salamat, dumaan kayo sa tamang landas (Saludo) Kami sa inyo ay saludo, saludo Sabi daw, walang pag-asa, pero tinapos Sabi daw, imposible, pero 'di pa rin natakot Sabi nila, mahirap, pero nagpursigi Kaya lahat sila ngayon, sige lang, sige No'ng lahat umurong, s'ya, sumugod No'ng lahat lumubog, s'ya, 'di nalunod Natutong maglakad sa tubig-pananampalataya Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya (Saludo) Paglaki ko, gusto ko maging katulad mo, yeah (Saludo) Maipagmamalaki sa buong mundo (buong mundo) (Saludo) Ikaw ang dahilan kung ba't hindi ako susuko, whoa, oh (Saludo) Taos-pusong pasasalamat (Saludo, saludo) Isa kang alamat, alamat (Saludo) Sa mga bida na tunay Na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay (Saludo) Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, 'di nagpaalila (Saludo) Sa inspirasyon, karagdagang lakas Salamat, dumaan kayo sa tamang landas (Saludo) Kami sa inyo ay saludo, saludo
Writer(s): Emilio Gutierrez Cruz, Jose Manuel Martinez Perez Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out