album cover
Oligarkya
8
Rock
Oligarkya was released on October 8, 2017 by Dong Abay Music Organization as a part of the album Humanidad
album cover
Release DateOctober 8, 2017
LabelDong Abay Music Organization
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM146

Credits

PERFORMING ARTISTS
Dong Abay Music Organization
Dong Abay Music Organization
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Westdon Martin Abay
Westdon Martin Abay
Songwriter

Lyrics

Katotohanang hubad kalayaan ay huwad
Kapulungang tamad katangaha'y walang katulad
Kasamaang sagad kasakiman ang hangad
Kaunlarang makupad kakupalan ang bayad
Kapamilya kasangkot kamag-anakang kurakot
Kaibigang mandurukot kaklaseng nanghuhuthot
Kakilalang may palusot kabarangay hinahakot
Kandidatong puro utot kapartidong hindot
Anong demokrasya nagpapatawa ka ba
Ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya
Anong demokrasya nagpapatawa ka ba
Ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya
Kaululan ay talamak kababawan sandamakmak
Kasinungalingan pinuputak kapangyarihang walang utak
Kalikasan winawasak karapatan niyuyurak
Katarungan hinahamak katarantaduhang tiyak
Anong demokrasya nagpapatawa ka ba
Ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya
Anong demokrasya nagpapatawa ka ba
Ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya
Kahayupan ng mga hayok katiwalian niluluklok
Karangyaan tinatampok kabang-bayan ang tumbok
Kapuluang nakalugmok kapabayaang dagok
Kalokohan ng mga ugok kalakarang bulok
Anong demokrasya nagpapatawa ka ba
Ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya
Anong demokrasya nagpapatawa ka ba
Ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya
Anong demokrasya (anong demokrasya)
Anong demokrasya (anong demokrasya)
Anong demokrasya (anong demokrasya)
Anong demokrasya (anong demokrasya)
Written by: Westdon Martin Abay
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...