Lyrics

Masaya, high sa buhay Abot ko na ang langit, abot na ang 'yong kamay Wala sa isip kung ano ang hinaharap Nananabik makita, huwag kang kukurap Tumalon, sumayaw, sumigaw Lakasan mo pa, dinig nila ang hiyaw Lahat ng baon mong kaba'y itapon na Hindi kailangan ng rason, huwag magtaka Wala lang, wala lang (walang sagot kung bakit) Walang sagot kung bakit, 'di ko rin alam Sunod-sunuran lang ba sa magtatanong? Pagtingala, lumipas na ang panahon Ang gaan ng paglaya Sa alinlangang pambigat sa iyong paa 'Di bale na sila, 'di bale na'ng lahat Isang ngiti, isang hakbang ang katapat Wala lang, wala lang (walang sagot kung bakit) Walang sagot kung bakit, 'di ko rin alam Sunod-sunuran lang ba sa magtatanong? Pagtingala, lumipas na ang panahon Kailangan ba ng dahilan Kung bakit ka pupunta d'yan? Ipunin mo na lang ang 'yong lakas Ikaw lang ang may hawak ng bukas Wala lang, wala lang Walang sagot kung bakit, 'di ko rin alam Sunod-sunuran lang ba sa magtatanong? Pagtingala, lumipas na ang panahon Wala lang, wala lang (walang sagot kung bakit) Walang sagot kung bakit, 'di ko rin alam Basta't alam mo kung ano ang gusto mo Wala na dapat pang pipigil sa iyo
Writer(s): Selena Salang Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out