Lyrics
Pipilitin ko pa ba
Kung talagang wala na nga
Ayoko namang
Mapalagay sa masama
Hahayaan ko na lang
Unti-unting mawala
Sasabihin ko pa ba
Kung ika'y wala na nga
Sayang ang lahat
Pagmamahal ko ng tapat
Pagbibigyan mo pa rin ba
Na maghilom na ang sugat
Sasamahan
Pa rin kita
Pipilitin
Ko na lang na maging masaya
Kahit meron ka nang iba
Pipilitin ko pa rin
Pagkat mahal na mahal kita
Pipilitin ko pa ba na maging masaya
Ang alam ko naman
Nasa piling ka ng iba
Hahayaan pa rin ba
Hinding hindi makapaniwala
Sasabihin ko pa ba
Ang tunay nadarama
Masasayang ang lahat
Pagkat ika'y malayo na
Pagbibigyan na lang kita
Dahil walang magagawa
Sasamahan
Pa rin kita
Pipilitin ko na lang
Na maging masaya
Kahit meron ka nang iba
Aasa lang ako
Dahil mahal na mahal
Kita
Sasamahan
Pa rin kita
Pipigilan ko na lang
Sangkatutak na luha
Pumapatak saking mata
Pipilitin ko pa rin
Pagkat mahal na mahal kita
Pipilitin ko na lang
Pagkat mahal pa rin kita
Pipigilan ko na lang
Ang pag-ibig kong tanga
Lyrics powered by www.musixmatch.com