Lyrics

Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan? Sindalas na rin ng dami ng bituing waring walang-hanggan Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman Kahit sandali, halik mo'y dumampi minsan Gaano kadalas ang makapiling kang minsan? Sa 'ki'y sindalas ng walang wakas, saglit mang magpisan Dahil sa gano'ng paraan lang mag-iisa Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba? Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari'y itago man ay lalabas At minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasingdalas Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang, sa aki'y para bang walang katapusan Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? Dahil ang pag-ibig, kung hindi rin lang wagas Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari'y itago man ay lalabas At minsan kang matuklasan, hapdi'y walang kasingdalas Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang, sa aki'y para bang walang katapusan Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?
Writer(s): George Canseco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out