Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
Lolita & The Boys
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Lolita Carbon
Songwriter
Lyrics
Isip mo'y unti-unting nawawala't nalilito
Ang tulad mo'y parang usok, unti-unting naglalaho
Tanging hiling ko lang sa'yo, nakaraan ay tanggapin
At ang ngayon ay harapin, ang bukas mo'y darating pa
Kaya't huwag sanang damdamin 'pagkat ito'y payo lamang
Mula sa akin kaibigan na sa iyo'y nagmamahal
'Wag mong sayangin ang panahon 'pagkat ito'y may hangganan
Buksan mo ang pintuan kasama ng iyong puso
Tinangay na ng hangin
Ang masamang panaginip
Kaya't bigyan mo ng puwang
Ang puso mong nalulumbay

Written by: Lolita Carbon