Lyrics

Nakatanggap ako ng sulat mula sa amin Nakalarawan doon ang maraming kong alaala At bigla akong lumuha dahil ako'y sabik na Sa lalawigan kong minumutya Naghihintay pa rin ang irog ko doon sa amin Mga magulang nama'y nag-aalala sa akin O, masilayan ko man lamang bundok, parang at batis Gumagaan ang hirap ko at pasakit Awitin ko, awitin ko'y makauwi na Sa duyan ng aking kamusmusan Sa piling mo, o, Sierra Madre Kandungan mo'y laging hinahanap Ano kaya ang gagawin ko ngayong wala nang Natitirang pag-asa sa aking mga pangarap Kaya't kung mayro'n mang nakikinig sa aking damdamin Ay dalhin mo na ang awit ko sa amin Awitin ko, awitin ko'y makauwi na Sa duyan ng aking kamusmusan Sa piling mo, o, Sierra Madre Kandungan mo'y laging hinahanap Kandungan mo'y laging hinahanap Kandungan mo'y laging hinahanap
Writer(s): Franz Frankenberg, Hans Hee, Gunter Kaleta, Wolfgang Roloff Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out