Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
John Roa
John Roa
Performer
COMPOSITION & LYRICS
John Roa
John Roa
Composer
Marlon Peroramas
Marlon Peroramas
Songwriter

Lyrics

Marami mang humahadlang Marami mang may ayaw Marami mang hindi sang-ayon Pero wala 'yon Wala naman tayong pakialam do'n Kahit ano man ang balakid Kahit ano man ang mangyari Kahit minsan imposible Hindi pwedeng 'di pwede Tayo pa rin hanggang sa huli 'Di man natin masasabi Na tayo talaga ang itinadhana Para sa isa't isa pero sana Kumapit ka lang sa 'kin At sabay nating sirain ang Kongkretong pader na namamagitan Sa pamamagitan ng pagmamahal Kongkretong pader na namamagitan Gusto nila tayong pigilan Pero ang ating pagmamahalan Hindi kayang higitan ng kahit na ano man 'Di na, 'di na, 'di na 'Di na, 'di na, 'di na 'Di na, 'di na, 'di na 'Di na, 'di na, 'di na Gaano man kalalim, handa kong languyin Gaano man kahirap ay handa kong tiisin Gaano man kalayo ay handa kong lakbayin 'Wag ka lang mawalay sa 'kin 'Di man natin masasabi Na tayo talaga ang itinadhana Para sa isa't isa pero sana Kumapit ka lang sa 'kin At sabay nating sirain ang Kongkretong pader na namamagitan Sa pamamagitan ng pagmamahal Kongkretong pader na namamagitan Gusto nila tayong pigilan Pero ang ating pagmamahalan Hindi kayang higitan ng kahit na ano man 'Di, 'di, 'di na 'Di na, 'di na, 'di na 'Di na, 'di na, 'di na 'Di na, 'di na, 'di na Kayang-kaya kahit pa kalaban militar Basta 'wag na 'wag ka lamang bibitaw Lagi mong tandaan, kakampi kita Walang makakapigil, 'di kayang higitan Hindi ito haranang tipikal 'Pag tanan, wala nang mahabang pilitan Galawang kriminal, resulta ng pagmamahalang ilegal Kailangang bilisan Alam ko naman kasing nahihirapan ka na kung sa'n kita kikitain At naiilang ka sa mga nakapaligid Bakit 'di mo pa aminin na mahilig kang manitig lagi? 'Di ka ba nabibigla sa lihim na pag-ibig natin? Araw-araw, unti-unti akong nabibighani Kasi maski alipin sa piling mo, nagiging hari Aking lilinawing malinis ang aking hangarin Nais kitang angkinin, kailan ka ba magiging akin? Kongkretong pader na namamagitan Sa pamamagitan ng pagmamahal Kongkretong pader na namamagitan Gusto nila tayong pigilan Pero ang ating pagmamahalan Hindi kayang higitan ng kahit na ano man 'Di, 'di, 'di na 'Di na, 'di na, 'di na 'Di na, 'di na, 'di na Whoa-ooh, 'di na, 'di na
Writer(s): Marlon Peroramas, John Roa Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out