Credits
PERFORMING ARTISTS
Rockstar
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Vehnee Saturno
Songwriter
Lyrics
Pilit kong itinago aking kalungkutan
Mga ngiti sa labi, balat-kayo lamang
Langit ay lumuluha mula nang 'yong iwan
Ako'y napanghinaan nang ikaw ay lumisan
Ang aking mga awit
Nawalan ng halaga
At ang tinig ko'y 'di mo na marinig
'Pagkat wala ka na
Bawat lahat sa puso ay ikaw
At kung muling kailangan mo ako, giliw
Darating pa rin sa 'yo
Kahit may hapdi sa puso ko
Kahit buhay ko'y alay ko sa 'yo
Dahil lagi kang mahal
Mga alaalang kay saya
Nang tayong dal'wa ay iisa
Mga tampuhan at pagmamahalan
Bakit nga kaya nagwakas na lang?
Natatandaan ko pa no'ng una kang hagkan
Mga labi mong noo'y akin lang
May siglang sa 'yo lang naramdaman
Ngayo'y hanap ko, oh, nasaan?
Kung mayro'n sa 'yong pagkakamali
Sana, oh, mahal ko, pagbigyang muli
Kung sakali mang mayro'n nang iba
Kung masasaktan, magbalik lamang
Bawat lahat sa puso ay ikaw
At kung muling kailangan mo ako, giliw
Habang-buhay maghihintay ako
Dahil puso ko ay tanging sa 'yo
At 'di magbabago ang damdaming ito
Sana'y dinggin mo ako
'Di mo na kaya kayang pagbigyan?
At naglaho na ang pagmamahal
Sana kahit na isang ulit pa
Ay mayakap ka't mahagkan pa
Bawat lahat sa puso ay ikaw
At kung muling kailangan mo ako, giliw
Darating pa rin sa 'yo
Kahit may hapdi sa puso ko
Kahit buhay ko'y alay ko sa 'yo
Dahil lagi kang mahal
Lagi
Lagi kang mahal
Lagi
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com