Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
ALLMO$T
ALLMO$T
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Angelo Luigi Timog
Angelo Luigi Timog
Songwriter
Rocel Dela Fuente
Rocel Dela Fuente
Songwriter
Jomuel Casem
Jomuel Casem
Songwriter
Clien Alcazar
Clien Alcazar
Songwriter
Nino Luciano Andrade
Nino Luciano Andrade
Songwriter

Lyrics

'Di ba sabi mo noon Walang bibitaw sa ating dalawa Pinangako mo pa 'yun Ako lang talaga't walang iba Walang iba, sumagot ka naman Gusto ko lang naman maintindihan Kung ano talagang naisipan Please lang, gumawa ka ng paraan Para ako'y makita, para ako'y matikman na Alam mo ba miss na miss na kita? Baby, halika na, sobrang lungkot na talaga 'Pag wala ka dito sa tabi ko lalo na 'pag napaisip pa sa'yo Wala nang magawa kung 'di tumulog nalang Para ikaw ang mapanaginipan ko Ikaw ang nasa puso't isipan ko At panalangin na habang buhay na 'to Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko 'Di ba tapos na tayo? Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto? (Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit) (Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko) ('Di ba tapos na tayo?) (Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto?) Bakit nga ba hinayaan natin 'to na mawala? (Mawala) Ano nga ba ang mga rason na sa atin nagdala Na tapusin nang maaga ang ating nasimulan? Hindi na natin maibabalik (babalik) Mga panahon na dating tayo ay sabik Dahilan kung bakit tila nawalan na ng gana Magbigay ng pagpapahalaga at umibig pang ulit (yeah) Sabihin mo sa'kin, ano ang problema kung ba't naririto? Hindi 'yung babalik ka lamang kung kailan mo lamang gusto Handa naman akong magsilbing balikat kapag malungkot Pero asahan mo na 'di na'ko babalik at 'yan ang totoo Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko 'Di ba tapos na tayo? Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto? (Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit) (Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko) ('Di ba tapos na tayo?) (Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto?) Pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin Ang mga alaala na iyong iniwan 'Di basta matalikuran madalas Balik tanawin, gano'n ka pa rin Walang pinagkaiba sa dati noong ikaw ay makilala Mga oras na kasama kita ay maligaya Ako'y nagsunod-sunuran, ngunit ang 'yong balak lang pala Noong umpisa pa lamang ako ay utuin (utuin) Ako naman si tanga Na umaasang kaya mo rin akong mahalin (mahalin) Ang galing mo rin, dahil alam mo na 'di kita matitiis Kaya 'di ko na ninais na muling mapalapit Kaya kung pwede ba ay lumayo ka sandali? Isipin ko muna kung puso ba ay sususndin Sapagkat ako'y dala na, pagod na kakaluha Sa bangungot mong dala ay matagal nang nagising Ngayo'y nagbabalik, ikaw ba ay nananabik? Sa'kin o sadyang wala ka lang matakbuhan? (Matakbuhan) Ano ang katotohanan ng ating kumustahan? Nandy'an kapag may kailangan, tapos ako'y tatalikuran (Ngayo'y nagbabalik, ikaw ba ay nananabik?) (Sa'kin o sadyang wala ka lang matakbuhan?) (Ano ang katotohanan ng ating kumustahan?) (Nandy'an kapag may kailangan, tapos ako'y tatalikuran) Paligid ay palaging masyadong malamig Itong pag-ibig natin, aminadong nasaid Kahit pa pilitin nating tumawid Alam ko na wala rin namang makikinig Kapag ka sumasagi ay nakakasabik Muli na maranasan ulit na makilig Kaso mukhang malabo na yatang bumalik Kung ating napamukha na isarado ang bibig Bintana'y binuksan at idinungaw ang mata Nakita kita na ikaw din ay nag-iisa Ako ay bumaba na para makausap kita Kahit na pano'y lumuwag ang paghinga Hindi talaga natin gustong magkaganito Alam ko naman na ayaw mo na rin ng gulo Kaso sa totoo lang kasi ay aminado Ako na hindi na din kita kaya na masalo (masalo) Hello, Love? I miss you Pustan lang 'yang kapit Halika, I love you Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko 'Di ba tapos na tayo? Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto? (Noong ika'y lumapit, ako'y biglang napakapit) (Nagtataka kung bakit muli kang sumasabit sa buhay ko) ('Di ba tapos na tayo?) (Ano ang dahilan, bakit ka pa naririto?) (Ngayo'y nagbabalik, ikaw ba ay nananabik?) (Sa'kin o sadyang wala ka lang matakbuhan?) (Ano ang katotohanan ng ating kumustahan?) (Nandy'an kapag may kailangan, tapos ako'y tatalikuran)
Writer(s): Jomuel Casem, Clien Alcazar, Nicole Macapagal, Rocel Dela Fuente, Nino Andrade Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out