Credits

PERFORMING ARTISTS
Dasu
Dasu
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Dasu
Dasu
Songwriter

Lyrics

Kamusta? Bakit tila dumatal ang kaba?
Ano ba ang agam-agam na bumabagabag?
Ang dinadamdam nila'y mahirap ipinta
Bakit pa ba ako nagtataka?
Ako ba'ng may kasalanan kung bakit naiwan sila?
Ako nga itong nagpaparaya para sa adhikaing
Walang patutunguhan, oh, kay saklap
Pa'no ba tayo magkakaisa?
Sinabihan na kitang tumakbo papalayo sa mundong
Nakakapagpabagabag
Pinilit kong sagipin ang mga naliligaw sa dilim
Nakakapagpabagabag
Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha
"Ngunit mahal pa rin kita"
Kasalanan ko pa ba na 'di mo na ako makikita?
Nakakapagpabagabag
Mas sanay na akong maglakad nang nakapiring ang aking mata
Habang-buhay ko nang pinagsisisihan na iniwan ang tanging sidha sa puso
Naglaho parang usok
'Di na maibabalik pa
Parang sa panaginip ko lang masisilayan ang mukha nila
"Parang awa mo na, hindi na mauulit ang panganib"
Masarap makinig sa inyong mga paghihinagpis
Na tila ubod ng tamis
Sinabihan ko silang bilisan ang pagtakbo sa mundong
Nakakapagpabagabag
'Di sila nakikinig, ngunit ngayo'y nagmamakaawa
Nagpapatawa ba sila?
Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga mata
Ngunit kami'y mali rin ba?
Sino nga lang ba ako para iligtas ang inyong diwa?
Nakakapagpabagabag
Oh, bakit ba ako nababahala sa mundong ito?
Nakakapagpabagabag ba?
Pinilit kong sagipin ngunit sila'y nasakop na ng dilim
Nakakapagpabagabag
Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha
"Ngunit huli na ang lahat"
Kasalanan ko pa ba na 'di mo na ako makikita?
Nakakapagpabagabag
Ah! (Bakit tila dumatal ang kaba?)
Ah! (Ano ba ang agam-agam na bumabagabag?)
Ah! (Ang dinadamdam nila'y mahirap ipinta, bakit pa ba ako nagtataka?)
Written by: Dasu
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...