album cover
album cover
Diskaril was released on June 5, 2020 by Soupstar Music as a part of the album Diskaril - Single
June 5, 2020
LabelSoupstar Music
BPM100
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

I –
Juskopo! Heto na naman muling magmamahal, huling beses ginawa 'to muntik magpatiwakal. (diskaril)
Pwede bang pigilan? puso makisama ka naman, may benda pa ang pinsala ng nagdaang kahibangan (diskaril)
Ako'y sawa na sa pangako, pagalit na tanga ko, pagbibingi-bingihan sa kabi-kabilang payo (diskaril)
Ay nagdulot ng delubyo kala ko kaligayahan to
Ngiti isang minuto, lungkot ay dalawang siglo (diskaril)
Bakit ba, kahit na ang dinanas ay malala
Pag may dumating mas pinipili pa ring maniwala (diskaril)
Parang may paligsahan ang saya at kabiguan, sa kasamaang palad, luha ang palaging lamang. (diskaril)
Bagong tsansa nga ba o nagmamadali?
Malakas ang kutob, hindi ka pwedeng magkamali. (diskaril)
Yan din ang sinabi mo noon at walang nakapapel, tapos di mo namalayan, bigla kang nadiskaril (diskaril)
II -
Nang sinubukan mo'y aminado kang marupok, di pa alintanang pwede ka palang ma diskaril
Ito ang klase ng larong hindi maaarok, kahit anong ingat walang takas pag nadiskaril
Ngunit kapag kausap ka hindi inaantok, binabagabag na baka ako'y muling madiskaril,
Sinantabi ang pangamba, sa ngalan ng kahel
Umaasang sa piling mo'y hindi madiskaril
Nagsilbi kang panauhin sa teatrong abandonado, nakalimutan kong dati akong nadiskaril
Binuhos ang buong tiwala, wagas na pagibig na kamatayan lamang ang kayang makadiskaril
Hanggang nahuli kitang may kahalikan, sana'y surpresa. Ang katinuan ko ay agad nadiskaril.
Binalikan ka dala ang mamahaling baril, ubos bala sa katawang mong madidiskaril!
BRIDGE:
Bakit meron bang ganyan? Di ko maintindihan
Kahit na anong gawin
Kahit sa huli binigay mo lahat di napuno di sumapat.
Written by: Daniel Jade Dionisio, Josephine Constantino, Raymund Emmanuel Marasigan
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...