Lyrics

One, two... One, two... Sasalubungin kita sa dulo ng 'yong galit Uunawain kita para 'di tayo maging Epidemyang 'di matapos-tapos sugpuin O problemang 'di makita, sa'n ang salarin? Tayo ba ay naging makasarili? Sarado ba'ng tenga sa mga hiling? Nakikinig ka ba sa akin? Hindi kita gustong awayin Pareho ang ating hangarin Ang kadiliman ay basagin Kung mayro'n kang pupurihin Sige lang, gawin mo 'yan Kung mayro'n kang babatikusin Sige lang, gawin mo 'yan Mahalaga'y bawat isa'y mapakinggan Nakikinig ka ba sa akin? Hindi kita gustong awayin Pareho ang ating hangarin Ang kadiliman ay basagin Patawad na sa pagkukulang Naririnig kita Nakikinig ka ba sa akin? Hindi kita gustong awayin Pareho ang ating hangarin Ang kadiliman ay basagin Nakikinig ka ba sa akin? Ang bukas ay ating yakapin Pareho ang ating hangarin Ang kadiliman ay basagin Nakikinig ka ba? (Sasalubungin kita) Nakikinig ka ba? (Sa dulo ng 'yong galit) Nakikinig ka ba? (Uunawain kita) Nakikinig ka ba? (Para 'di tayo maging...) Sasalubungin kita sa dulo ng 'yong galit
Writer(s): Miguel Benjamin G Guico, Paulo Benjamin G Guico Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out