Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
DENJ
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Denj Gonzales
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Denj Gonzales
Producer
Lyrics
'Di bale nang walang ibang masabi
Ang puso kong puno ng hinaing
Hindi mo lang alam, higit pa sa sasabihin mo ang nais 'pabatid
Wala na 'kong ibang hiling
Hiling ko lamang ang mga nasa isipan
Hindi ako manghuhula kung lilisan ka
Nais ko lamang matutunan ang iyong nararamdaman
Ikaw ba'y tensiyonadong aamin sa madla?
Isang tingin mo lamang sa 'king mga mata
Hindi mo lang alam, kabado na't tuliro na lang ang aking nadama
Wala na akong ibang hiling
Hiling ko lamang ang mga nasa isipan
Hindi ako manghuhula kung lilisan ka
Nais ko lamang matutunan ang iyong nararamdaman
Nalaman kong may balak ka pang magparamdam
Hindi ba nagsasawang maglubog-litaw?
Hindi mo lang alam ang oras na inilalaan ko para sa iyo
Wala na akong ibang hiling
Hiling ko lamang ang mga nasa isipan
Hindi ako manghuhula kung lilisan ka
Nais ko lamang matutunan ang iyong nararamdaman
Oh, ilang gabi na yata 'kong
Nakadungaw sa bituin, naghihintay ng himala
Oh, nawala na ang tadhanang 'kala ko'y
Magsisilbing daan patungo sa istorya natin
Hindi ko lang alam, andiyan ka na sa pintuan ko, hinihintay ako
Heto na nga ang aking hiling
Ngayon, alam ko na'ng mga nasa isipan
Hindi na 'ko manghuhula kung lilisan ka
Basta ko lamang natutunan ang iyong nararamdaman
Written by: Denj Gonzales