Lyrics

Bituin ka ba? Kasi ganda ng 'yong mga mata Nagniningning sa paningin ko, nakakahipnotismo Oh, 'di ba? Kahit anong lingon ko sa iba Ikaw pa rin ang paborito, hindi 'to magbabago Ganda mo kahit 'di ka naka-make up Ang cute mo pa, baka puwede kang mayakap? Ikaw ang babae na pinapangarap Kislap ng 'yong mga mata'y kumukutitap Kahit na walang kolorete Natural ang 'yong ganda, ako ay natotorete sa 'yo Pinay pa rin kasi, Pinay pa rin kasi, Pinay pa rin kasi Iba talaga kapag Filipina, kahali-halina Kakaiba ang 'yong ganda, para kang prinsesa Kaya ako ay nabighani Gandang Pinay ay natatangi Iba talaga kapag Filipina, kahali-halina Kakaiba ang 'yong ganda, para kang prinsesa Kaya ako ay nabighani Gandang Pinay ay natatangi Tila nabighani sa iyong kagandahan Napahinto buong kalawakan ko sa 'yo Talagang gusto'ng buong katawan No'ng tinitigan ko 'yung mga ngiti mo Talagang nakakabighani Parang mga bahaghari sa ulap Mga mata mong nangungusap Talagang gandang Filipina ay walang katulad Uh, gandang Filipina Grabe, hindi ka Hindi ka mapapantayan Kahit sino itapat, talagang manghihina Sa tuwing nakikita Kagandahan mong mala-diwatang kahali-halina Labis na naakit at ang puso ko'y nadagit Kaya ako'y napaawit na lang Oh, binibini, bawat galaw mo ay kakaiba Ibang-iba, nakakahibang Bawat ngiti mo, nakakagalak Talagang kaabang-abang Bawat alon ng iyong buhok Hindi nakakailang Kaya gandang Filipina Ay talagang nakakahibang Iba talaga kapag Filipina, kahali-halina Kakaiba ang 'yong ganda, para kang prinsesa Kaya ako ay nabighani Gandang Pinay ay natatangi Iba talaga kapag Filipina, kahali-halina Kakaiba ang 'yong ganda, para kang prinsesa Kaya ako ay nabighani Gandang Pinay ay natatangi
Writer(s): Alejandro Sucgang Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out