Music Video

Music Video

Credits

COMPOSITION & LYRICS
Angeline Quinto x LADZKIE
Angeline Quinto x LADZKIE
Songwriter

Lyrics

Mahal, sana'y pakinggan mo ang awitin kong ito
Na handa akong magbago para lamang sa iyo
Lahat ay aking gagawin, huwag ka lang mawalay sa 'kin
At ang puso't isip ko, sana'y iyo ring angkinin
At maramdaman mo sana ang pag-ibig sa iyo
'Di sasayangin ang pag-ibig na inalay mo
At handa ko pong baguhin ang lahat-lahat sa akin
Bhie, mahalin mo lang ako, 'yon lang ang tangi kong hiling
Aking pagmamahal, sana nama'y maramdaman
At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to
Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian
At ang nais ko lang sana'y iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito
Oh, ah, ah
Na-na-na-na-na, na-na-na-na
At ngayon alam ko na ang tibok ng puso mo, sinta
At ikaw lang ang lalaki sa 'ki'y nagpapasaya
Sana'y malaman ang pag-ibig na inalay ko sa 'yo
At ikaw ang dahilan kaya ako ay nagbabago
Tanging hiling sa Maykapal, tayo pa ay magtagal
Pangako ko sa 'yo, mahal, ihaharap ka sa altar
At salamat nga pala sa mga kaibigan ko
Na nagpapasaya sa akin 'pag pinapaluha mo
Aking pagmamahal, sana nama'y maramdaman
At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to
Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian
At ang nais ko lang sana'y iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to
Kay sarap naman isipin na panghabang-buhay na
Ang samahan nating dalawa na palagi kang masaya
At ikaw lang at ako ang tutupad sa pangarap mo
Dinggin mo sana ang pag-ibig na inalay ko sa 'yo
Lahat ay aking gagawin, mahalin lang ang katulad ko
At kung masaktan ka, sana na ako'y handang magbago
At lahat-lahat ng 'to'y nagawa ko para sa iyo
At ikaw ang dahilan kaya ako'y nagsusumamo
Aking pagmamahal, sana nama'y maramdaman
At malaman mo lang na ikaw lang ang siyang laman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong 'to
Aking pagmamahal, sana nama'y masuklian
At ang nais ko lang sana'y iyong maramdaman
Ang isang tulad ko na umiibig sa iyo
Sana'y dinggin ang mga panalangin at awitin kong ito
Ah, ah, ah, ah
Na-na-na-na-na, na-na-na-na
Written by: Angeline Quinto x LADZKIE
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...