Credits

PERFORMING ARTISTS
Banda ni Kleggy
Banda ni Kleggy
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Joseph Darwin Hernandez
Joseph Darwin Hernandez
Composer
Alejandro Claros Jr.
Alejandro Claros Jr.
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Joseph Darwin Hernandez
Joseph Darwin Hernandez
Producer
Rye Sarmiento
Rye Sarmiento
Producer

Lyrics

Madilim na paligid
Nangangapa sa gilid ng bangin
Hindi alam kung sa'n pupulutin
At kung anong mangyayari sa'kin
Kahapon ako'y napagod
Sa mga bagay na gumugulo
Sa aking panaginip
Biglang may tumawag sa'kin
Kausap ko si Bathala
Sabi niya, Siya ang bahala
Huwag daw mag-alinlangan
Siya daw ang kailangan
Malubak na kalsada
Ako lang ba ang dumadaan
Wala daw patutunguhan
Kung ako ay lilihis ng daan
Ako ay biglang nagising
Sa aking panaginip
Nakausap ko ba si Bathala
Sabi niya, Siya ang bahala
Kausap ko si Bathala
Sabi niya, Siya ang bahala
Huwag daw mag-alinlangan
Siya daw ang kailangan
Hinihigop lang ako ng higaan ko maghapon
Ayaw ko munang bumangon baka mas lalong umalon
Mag-iisip lang maghapon kung pa'no ko itatapon
Mga pasakit kahapon, pa'no ko ba maaahon
Malapit na ang panahon, panahon ng paghuhukom
Nag-iiba na nga ngayon, wala pa rin bang direksyon
Ikaw ang aking koneksyon, bahala ka Panginoon
Tapos na ang bagong taon, magbabago na rin ngayon
Ilang taon na nagkulong, maaga akong nalulong
Sa tenga ko may bumulong, agad ako na nagtanong
Bakit ako umalulong, hinihingal ng paurong
Dahil Sa'yo Panginoon, patuloy lang hanggang ngayon
At masasabi sa sarili, magtiwala lang palagi
Titibayan ang haligi para 'di nila madali
Talangka na nagsasabi na malabo't imposible
Patuloy na aatake, may Bathala ko parati
Kausap ko si Bathala
Sabi niya, Siya ang bahala
Huwag daw mag-alinlangan
Siya daw ang kailangan
Mga sinulat kong paksa, pahaging lang ng bahagya
'Wag ka sanang mabibigla kung sa bibig ko magmula
Sa aklat ay nakatala mula noong unang simula
Kung ikaw ay nakatakda, baunin mo 'yon pagtanda
Ika nga ng matatanda, gumalang ka na may akda
Sikapin mong maging handa sa panahong walang-wala
Durugin kang dapang-dapa, sa langit ka tumingala
Pigilin mo na magwala, wala ka diyang mapapala
Kausap ko si Bathala
Palagi ka lang huminga, laliman mo sabay buga
Alalahanin ang lahat kung pa'no ka nagsimula
Sabi niya, Siya ang bahala
Baunin mo, laging dala mga pinapayo nila
At huwag ka na mag-alala, parating na ang padala
Huwag daw mag-alinlangan
Na-traffic lang ng bahagya 'yong hinhiling mo sa Ama
At huwag na sanang sumama ang loob mo sa kanila
Siya daw ang kailangan
Kusa din 'yang mawawala, manalangin ka sa kanya
Alalahanin ang buhay kung ga'no ka kahalaga
Kausap ko si Bathala
Sabi niya, Siya ang bahala
Written by: Alejandro Claros Jr., Joseph Darwin Hernandez
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...