album cover
Sige
132
Hip-Hop/Rap
Sige was released on April 9, 2021 by 1096 Gang as a part of the album Metamorphosis
album cover
Release DateApril 9, 2021
Label1096 Gang
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy
BPM65

Music Video

Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Guddhist Gunatita
Guddhist Gunatita
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Genesis Lago
Genesis Lago
Songwriter

Lyrics

[Chorus]
Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, 'wag ka maumay
Ah
Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, 'wag ka maumay
Ah
[Verse 1]
Isipin mo palaging may pagmamahal
Na bukod tanging inaalay sa iyo ng Maykapal
Kung iintindihan lang natin ng lubos ang pagkabuhay, eh, di
Wala na sanang nasasayang pa na buhay
Walang hayop o kaybigang magdurusa't pighati ay
Mapapawi rin agad, lunasan natin ng ngiti
Pagmamahalan tangi nating kailangan
Hindi nating kailangan na mag-away maglamangan
Ang maglaban ay walang patutunguhan kundi ang pagkasawi
Ng mabubuti na binhing sa puso ay nakatanim
Marami ang nagtatanong kung bakit daw ako gan'to
Kapayapaan at pagmamahalan ang handog
Sagot ko lamang, gusto ko lang malaman
Niyo kung gaano kalawak ang bitbit niyong kamalayan
At marahil ito lang din ang meron dito sa pinakaloob
Ng pagkatao kong minsang nilamon ng mga kutob
Ngunit nalaman ko na ang kalayaa'y
Nakasalalay lang pala sa aking kaalaman
[Chorus]
Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, 'wag ka maumay
Ah
Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, 'wag ka maumay
Ah
[Verse 2]
Mundo ay magbabago paglipas ng panahon
Ang alaala ng kahapon sa isip nakabaon
Mananatili sa memorya ang ating nakaraan
Ngunit hinding hindi na maari pa na mabalikan, madagdagan
Pa sana ng panibagong yugto
Ang pahina ng buhay natin na tila isang libro, merong wakas
May umpisa lahat ay may hangganan
Sana ay mamuhay kang malaya bago ka lumisan
Sa mundo sikapin mong lagi ang magkasundo
Ang 'yong damdamin at isipan ilayo mo sa gulo
Panatilihin mong nakaduyan ang kamalayan mo
Sa nagiisang tahanan ng iyong kamusmusan
'Wag mong hayaan na galit sa isip ang mamuthawi
Mapayapang pagkatao dapat ay bitbit mo lagi
Bukod tangi ka na nabubuhay sa sanlibutan
Walang katulad ang dala, dala mo na pagmamahal, si
[Chorus]
Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, 'wag ka maumay
Ah
Sige lumayo, lakbay ang buhay
At kung madarapa, 'wag ka maumay
Ah
Written by: Genesis Lago
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...