album cover
Dndn
album cover
Dndn was released on April 9, 2021 by 1096 Gang as a part of the album Metamorphosis
April 9, 2021
Label1096 Gang
BPM104
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

[Intro]
Daming nagbago, daming nangyare, hmm
[Verse 1]
Ang daming pagbabagong naganap
Sa tuwa para bang gusto kong umiyak
Kahit na sobrang dami paring katanungan
Isa lang ngayon ang sigurado at tiyak
Na 'di na masasayang pa ang luha
Mga nais makamit ay aking makukuha
Kahit na gaano kataas ang mga tala
Kaya pa rin yan na abutin ng taga-lupa
[Verse 2]
Mahiwagang buhay sa mundo
Maniwala ka na matatapos ang gulo
Isa ka rin ba sa mga taong gaya ko?
Na lubos nahuhumaling sa liwanag ng sulo
[Verse 3]
Ang sarap ng ingay sa gitna ng kagubatan, ah
Ilaw sa dilim ng kalawakan, ah
Dami kong gusto na mahawakan
Isa na dun ang sarili ko na kalawakan, ah
[Chorus]
Daming nagbago, daming nangyare
Panahon 'di na namalayan pa, namalayan pa
Daming nagbago, daming nangyare
Na ayos lang naman
Mga suliranin matatapos din naman, yeah
Daming nagbago, daming nangyare
Panahon 'di na namalayan pa, namalayan pa
Daming nagbago, daming nangyare
Na ayos lang naman
Mga suliranin matatapos din naman
[Verse 4]
Ang sarap mamuhay ng tahimik at payak
'Yung may kalayaang manatili't gumayak
Sa mata walang piring kamay ay walang tali
'Di naman siguro masama baka sakaling
[Verse 5]
Maintindihan, din nila ako
Alam niyo ang hirap din minsan maging gan'to
Mas gusto ko makinig kesa magsalita
Kaso utos ni Ama, 'la akong magagawa
Minsan nang nilamon ng inip at kalungkutan
Puso ko'y hinamon ng sarili kong isipan, napanaginipan
[Verse 6]
Sa isipan matatapos din naman 'to
'Di mo na kailangan pang piliting mag-isip
Enjoyin mo lang ang pagkabuhay mo ulit
Malay mo sa pag-alis mo 'di ka na bumalik, yeah
[Chorus]
Daming nagbago, daming nangyare
Panahon hindi na namalayan pa, namalayan pa
Daming nagbago, daming nangyare
Na ayos lang naman mga suliranin matatapos din naman, yeah
Daming nagbago, daming nangyare
Panahon hindi na namalayan pa, namalayan pa
Daming nagbago, daming nangyare
Na ayos lang naman mga suliranin matatapos din naman
Written by: Genesis Lago

Loading...