Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
Mac Mafia
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Scott Wilson G. Divinagracia
Songwriter
Angel Sabanal-Matas
Songwriter
Lyrics
Naalala mo pa ba, nung sinusuyo pa kita?
Noong binuhos ko sa ‘yo aking buong nadarama?
At ako'y nasorpresa nung nadama mo rin pala
At ang araw na ‘yon punong-puno ba ng saya
At ngayon ay tayo lang dalawa
Nakatanaw sa mga bituin na napakaganda
Kasing ganda ng 'yong mga mata
Na para bang kumikislap ‘pag tinititigan kita
Halika dito. ‘wag kang mag alala
Hawakan aking kamay, ‘pikit ang 'yong mga mata
Dam'hin mo lang ang aking nadarama
Ng puso kong itong tumutugtog ng isang sonata
Nabighani sa taglay mong kagandahan
Para bang nasa pantasya kahit maikli pinagsamahan
Bakit ba hindi kita mabura sa aking isipan?
Parang ayaw ko ng gumising kahit itoy panaginip lamang
Ikaw lang at wala nang iba
Sa puso at sa isip ko sinta
Dam’hin mo lang ang aking nadarama
Nandito lang ako upang gabayan ka
Ikaw lang at wala nang iba
Sa puso at sa isip ko sinta
Dam’hin mo lang ang aking nadarama
Nandito lang ako upang gabayan ka
Magdamagan na namang nakatitig
Sa kawalan habang ikaw ay kapiling
At tila ba ayoko nang umuwi
Gusto na munang manatili sa 'yong tabi
Oh, kalawakan man ang pagitan
Ikaw pa rin ang nanaisin sa 'king isipan
(Oh)
Ikaw lang ang nilalaman ng aking isipan, mmm
Ikaw lang ang nasa isip magmula sa 'king paggising
Tanging nagpapasaya hanggang sa aking panaginip
Araw-araw nangangakong babalik ka sa 'king bisig
Pagpasensyahan mo na kung di man tayo makahirit
Ngunit bakit nung naglaon ay nawili sa sarili
Dagat ng pagmamahal tila ako na lang sumisid
Nawala sa 'yong pag-ibig, at tuluyang nanahimik
Dahan-dahang naglalaho't naaapula yung init
Sa halip na pag-usapan, pinili na lang itago
Lahat ng gustong sabihin, kaya di nalang nagbago
at hindi na nakabangon, pag-ibig ay di naglaon
Hanggang naging alaalang natabunan ng kahapon
Pero, kahit na di ka na kapiling sa maghapon
At kahit na pipilitin ang sarili na wala 'yon
Sa 'ki'y matindi na hamong kalimutan ka't sang-ayon
Ba kung sasabihing di ko matakasan ang kahapon, uh
Ikaw lang at wala ng iba
sa puso at sa isip ko sinta
Damhin mo lang ang aking nadarama
Nandito lang ako upang gabayan ka
Ikaw lang at wala ng iba
sa puso at sa isip ko sinta
Damhin mo lang ang aking nadarama
Nandito lang ako upang gabayan ka
Magdamagan na namang nakatitig
Sa kawalan habang ikaw ay kapiling
At tila ba ayoko nang umuwi
Gusto na munang manatili sa 'yong tabi
Oh, kalawakan man ang pagitan
Ikaw pa rin ang nanaisin sa 'king isipan
(Oh)
Ikaw lang ang nilalaman ng aking isipan, mmm
Written by: Angel Sabanal-Matas, Scott Wilson G. Divinagracia


