Credits
PERFORMING ARTISTS
Massacre Party
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Mario Tagle
Composer
Alaine Llido
Songwriter
Lyrics
Sa paglakad ng panahon ay aking napapansin
Nabubura sa isipan ang nakaraan natin
'Di ako makapaniwalang makakayang tumayo
Sa aking pagkakadapa no'ng ako'y lisanin mo
Noo'y dalamhati ang hatid ng gunita
Tuwing nagbabalik ang kahapon
Ngayon ay aking natuklasan
Na kaya kong mabuhay kahit wala ka na
Ngayon ay nagbalik-sigla
Ang dating nalulumbay kong pag-ibig
Alaala ng kabiguan ay wala nang pakiramdam
'Di ko na hahayaang magbalik pa ang ulap
Paggising ko sa umaga ay iniwanan ko na
Ang masamang panaginip kung bakit nag-iisa
Noo'y dalamhati ang hatid ng gunita
Tuwing nagbabalik ang kahapon
Ngayon ay aking natuklasan
Na kaya kong mabuhay kahit wala ka na
Ngayon ay nagbalik-sigla
Ang dating nalulumbay kong pag-ibig
Written by: Alaine Llido, Mario Tagle