Lyrics

Matagal na kitang sinusundan, tinititigan At hindi maiwasan na ikaw ay 'di tignan sa malayuan At pinag-iisipan ko kung anong paraan Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala? Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya, oh Ewan ko kung pa'no ko bibitbitin 'Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin Ayoko rin naman 'to kimkimin Kaso mukhang hindi ko pa rin 'to sa 'yo kayang banggitin At baka i-snob-in mo lang at 'di mo pansinin Bitin, kahit ano pa man ang aking inumin 'Yung tapang ay wala pa rin, sa'n ko hihiramin? Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin Pa'no sasama kung hindi ako nag-aaya? Pa'no tatama kung hindi ako tumataya? Minsan iniisip ko na 'wag na lang kaya Kaso 'yung isip ko ay nagbabago din maya-maya At sobra sa pag-asa, kulang sa kumpiyansa Kaya mukhang malabong magka-tsansa Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo Basha 'Yun ang matagal ko nang pantasya Matagal na kitang sinusundan, tinititigan At hindi maiwasan na ikaw ay 'di tignan sa malayuan At pinag-iisipan ko kung anong paraan Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala? (Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala?) Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya 'Di lang ako kumikibo, matagal nang tumitibok Ang puso ko para sa 'yo, kaso minsan kumikirot (hmm) 'Di ko kasi masabi, 'di ako umaarte lang 'Di ko rin alam kung papaano aatake Kasi baka naman ako ay tablahin Kaya tinatak sa isip ko na 'wag nang tangkain Panaginip lang lahat ng 'yon ako ay tampalin Para gising na 'ko, tamang panahon, aantayin ko na lamang Kasi wala namang masama sa magtiyaga Kung para sa 'kin ka eh 'di mag-aabang ako hanggang sa mayro'ng mapala Kaso wala namang mapapala lalo't 'pag wala akong ginawa Tsaka baka mamuti lang ang mata 'pag nag-antay ng himala 'Di naman malabo na mapansin mo 'ko kapag 'di ako nagtatago Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka-tayo Wala naman kasing ibang paraan kung sa takot ay magpapatalo Kawawa lang ako puro lang tingin sa malayo, kailangan ko yatang magbago kasi Matagal na kitang sinusundan, tinititigan At hindi maiwasan na ikaw ay 'di tignan sa malayuan At pinag-iisipan ko kung anong paraan Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan (malapitan) Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala? Sa 'king ginagawa na 'pag ka tumaya ay 'wag mapahiya Oh-oh-ooh
Writer(s): Jason Daniel Haft, Darlon Adrian Elmedolan Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out