Credits
PERFORMING ARTISTS
8 Ballin'
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
8 Ballin'
Composer
Albert Michael "Schumi" Guallar
Composer
Stephen Chelben "CHELLY" Lim
Composer
Kurt Austin "TEEN" Garcia
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Lemuel Jan "Lem." Esguerra
Engineer
Lyrics
'Kala ko dati, ako 'yung problema, 'di naman pala
Araw-araw ko na lang hinihiling
Ang mga dahilan kung bakit
Wala ka nang nadarama
Pintuan at bintana, pwede ba na ating isara?
Kahit sandali na lang
'Di na lang aaminin ang nilalaman
Idadaan ko na lang sa paraan
Na ako at ikaw lang ang tanging makakaalam
Binuksan ang mga talukap (talukap), nakatanaw sa ulap (ulap)
Isip ay 'di mahagilap ('gilap), ayaw ko ng kausap (usap)
Handa kahit mag-isa (isa), kita sa 'king mata (mata)
Hirap na 'king dinanas, hanggang ngayon ay pasan ko pa
Mga buto ng tagumpay, itinanim ko sa ilalim ng lupa
Lumusong sa putikan, 'di magmamalinis hanggang sa mayro'ng makuha
Diniligan gamit ang pawis, hindi na titigil kahit pa lumuha
Basta pagdating ng ulan, ako ay nakasilong sa 'king pagbubunga
Pero ano ba? Ano ba ang kahulugan nitong lahat kung wala?
Kung wala ka ring kasama sa ilalim ng silong
Masaya ka ba na mag-isa at walang katulong?
'Di ba, 'di ba hindi naman? 'Di naman, hindi naman
'Di ba hindi naman? 'Di naman, hindi naman
Kung wala ka ring kasama sa silong
Masaya ka ba na mag-isa at walang katulong?
Lahat ng aking oras (lahat ng aking oras)
Sa 'yo ko 'pinaparanas (sa 'yo ko 'pinaparanas)
Ika'y aking sakit (ika'y aking sakit)
Ikaw din ang aking lunas (ikaw din ang aking lunas)
Malaya, pero sa 'yo ay nakaposas
Rosas na labi na minsa'y nagdampi
Ang pagtupi ng dahon at daloy ng alon
Parte na lamang ng aking mga kahapon
Pero ano ba? Ano ba ang kahulugan nitong lahat kung wala?
Kung wala ka ring kasama sa ilalim ng silong
Masaya ka ba na mag-isa at walang katulong?
'Di ba, 'di ba hindi naman? 'Di naman, hindi naman
'Di ba hindi naman? 'Di naman, hindi naman
Kung wala ka ring kasama sa silong
Masaya ka ba na mag-isa at walang katulong?
Pero ano ba? Ano ba ang kahulugan nitong lahat kung wala?
Kung wala ka ring kasama sa ilalim ng silong
Masaya ka ba na mag-isa at walang katulong?
'Di ba, 'di ba hindi naman? 'Di naman, hindi naman
'Di ba hindi naman? 'Di naman, hindi naman
Kung wala ka ring kasama sa silong
Masaya ka ba na mag-isa at walang katulong?
Written by: 8 Ballin', Albert Michael "Schumi" Guallar, Kurt Austin "TEEN" Garcia, Stephen Chelben "CHELLY" Lim